DC4

8.5K 238 7
                                    

Richmond pov

"Teh bat bigla kang nawala kahapon?sabi mo magc-cr ka lang di ka naman na bumalik."kung alam lang ni vench ang nangyari sigurado magyayawyaw na naman eto kaya mas mabuting di na lang nito alam.

"Paanu kasi,nanakit ang tiyan ko.,siya nga pala bakit hindi umuwi si jam sa bahay kahapon?nasabi ko na kay mommy na andito na siya eh."tanong ko rito.di kasi siya nagpunta ng bahay.Sinabi pa naman niya na dun na siya tutuloy.

"Hay naku teh,narinig ko kahapon na usapan yata nilang magpunta sa club...alam mo yang si fafa carl pasimple lang eh,pero babaero."magbestfriend talaga kami,parehas kami ng iniisip.at napatunayan pa niya.

"Ako ang bahala diyan sa pinsan ko."nakapasok na kami sa room namin at ala pang instructor,nakita kong nakatungo si jam at may suot pang shades eh wala naman sa ilalim ng araw.

Tama nga ang hinala ko na tulog ito."hoy!"tulak ko rito na ikinagulat niya.

"Cuz naman eh,wala pa naman tayong instructor kaya ok lang."medyo inis na turan nito.

"Eh kung di ka kasi nagpupuyat di sana masigla kang pumasok.bakit kasi sumasama sama ka sa mga taong walang alam gawin kundi ang magpakasaya."nakita ko kasing nakatingin na sa amin si carl at halata rin dito na puyat.

"Look who's talking."inis rin na turan nito.

"And....mamaya kunin mo na ang gamit mo sa bahay nila dahil uuwi na tayo.mas maganda pang doon ka sa bahay dahil walang mag aaya sayo sa mga lugar na di dapat."parinig kung muli.

"Anu bang problema mo ha!?"medyo napataas na ang boses nito kaya napatingin na sa amin ang ibang mga kaklase ko.

"Whoooooaaaahh...tama na yan ok.sige cuz,samahan mo na ang ako mamaya sa bahay nila para kunin ang gamit ko."awat sa amin ni jam.

Lalabas sana ako ng room ng makita kung pumasok si cristoff.palapit na siya sa akin ng itaas ko ang kamay ko paharap sa kanya.na ibig sabihin ay wag niyang ituloy anuman na iniisip niyang gawin pinasalamatan ko at naintindihan naman niya.ayukong makasakit dahil lamang sa mga salitang mabibitawan ko dahil sa galit.dahil alam ko ang pakiramdam na masaktan kahit na simpleng salita lamang na binabato dahil sa kasarian ko.

>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Linggo na ngayon at heto ako't inaayus na ang sarili.nagsuot ako ng isang simpleng dress na binigay sa akin ni tito laxie...inayos ni mommy ang buhok ko at naglagay lang ako ng powder sa mukha ko dahil di naman talaga ako gumagamit ng kahit na anong make up.

"Tama na yan at baka naghihintay na sila doon.jam halika na."umakbay pa si daddy kay jam na parang tunay na anak lang niya eto.simula nung friday na umuwi dito si jam ay lagi na lang silang dalawa ni daddy ang naguusap.parang bonding ng anak sa kanyang ama.na nagpapakirot sa puso ko dahil simula pagkabata ay di ko naramdaman na naging ganun sa akin si daddy.

"Anak halika ka.wag ka ng malungkot.isipin mo na lang na.makakalaya ka na sa daddy mo after this.wag mong isipin na ipinamimigay ka niya ha.ginawa niya to para rin sayo."may pag-aalalang turan sa akin ni mommy.

"Ok lang ako mom...tara na po baka mahighblood naman si daddy."alam ni mommy na pinipilit ko lang maging ok kahit hindi.sa bahay ng mga alcantara ang tungo namin ngayon.

And this is the night na papayag akong makisama sa taong alam kong di ako magagawang mahalin sa kung sino ako.gagawin namin eto para sa magkaibang rason.siya,para sa kumpanya at kapangyarihan,ako,para sa pamilya.alam kung pagsisisihan ko ito but still,I don't have a choice.

Pagdating namin sa bahay ng mga Alcantara ay agad kaming sinalubong ng magasawang Alcantara at ni kuya carlvin.iginiya nila kami sa dining area at doon ay nakita ko na nakaupo si carlson sa upuan na kaharap ko.

daddy's choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon