Broken Hearted Bride
By: Lady May
Prologue
Young love sweet love.
Ang sarap ma-inlove , yung tipong sa pag-tulog at sa pag-gising mo mukha ng mahal mo ang nakikita. Ang mga ngiti sa labi na hindi mabura, kahit na pangalan palang niya ang marinig, ang tipong boses pa lamang ang naririnig parang tinatambol na ang dibdib.
Pero ang LOVE ay may tamang panahon at hindi basta -bastang pinapasok. Hindi din lahat ng love story ay may happy ending. Ang pag ibig hindi laging masaya at lalong hindi ito kagaya ng fairy tale.
Pa'no ba masasabi na nagmamahal ka na?
Ano ang aasahang pag ibig na magmumula sa isang menor de edad?
Maniniwala ka bang pag- ibig na ang nadarama nito o isang paghanga lang gayong siya'y labing dalawang taong gulang lamang? Papa'no kung sa katayuan mo may iibig sayo ng ganito?
Luke Fernandez at Azeleah Marie Sanchez. Pa'no pakikitunguhan ang batang si Azelea na umano'y in love sa binatang si Luke?
Ano ang gagawin ni Luke upang iwasang masaktan ang damdamin nito?
Darating kaya ang panahon na matatanggap ni Azeleah na may lalaking nakalaan para sa kanya pag-dating ng kanyang wastong edad?
>>>
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS