Chapter 6

3.8K 79 1
                                    

CHAPTER SIX

ISANG napakasayang gabi iyon kina Azie at William. Sobrang natutuwa ang kani-kanilang mga magulang ng pinaalam nilang sila ay magkasintahan na. Napakasaya ni Azie dahil 'di n'ya akalain na magiging sila talaga ni William.

Wala na siyang mahihiling pa. Isang gabi kauuwi lang galing sa school hinatid s'ya ni William sa bahay. Pagod ng husto si Azie dahil madaming ginawa sa eskwela. Nasa banyo siya ng kanyang kwarto na naghihilamos ng mag ring ang cellphone n'ya.

Napangiti ito .

"Namiss agad ako ni Yammy." Natatawang usal sa sarili. Nagpunas ng mukha saka kinuha ang cellphone niya.

UNKNOWN NUMBER ang tumatawag. She answered it.

"Good evening. Who is this please?" Bungad na tanong niya.

"Hi good evening, how are you?" Tanung ng sa kabilang linya. 'Di niya kilala ang boses.

"Who are you?" Mataray na tanung niya.

"Hahaha, di mo matandaan ang boses ko? Anyway it's been 5 and half years kaya siguro 'di mo na 'ko kilala sweetie." Saad ng sa kabilang linya. "I missed you" dagdag pa nito.

Biglang kumabog ang dibdib ni Azie ng makilala ang tawag nito sa kanya. 'Di siya nagkakamali si Luke iyon.

"Kuya Luke it's you, nagparamdam ka rin." May bahid ng tampo ang boses ni Azie.

"Pagagalitan mo pa 'ko bunso? I'm sorry. Busy lang talaga ako pero 'di ko kayo nakakalimutan kayo ang pangalawa kong pamilya remember?. Kamusta kana angel?"

'Di mapigil ni Azie na mainis nahihiya siya pag naaalala ang nagawa n'ya noon.

"Aasarin mo ba ako or what? Kung aasarin mo 'ko please end this call. Hindi mo tinupad ang promise mo na babalik ka in 3years. But anyway tama ka dadating ang time na magpapasalamat ako sayo. Thank you Luke for breaking my heart nasaktan talaga ako noon, well thats it and part nalang ng nakaraan ang lahat. Now I'm happy with my boyfriend. Thanks to you.." Azie paused for a while. " 'Yun ang gusto mong marinig 'di ba?" dugtong pa niya..

'Di namalayan ni Azie na may mga dumadaloy ng luha sa kanyang mga mata. 'Di n'ya alam kung para saan 'yun. Pero dapat hindi na siya Bitter hindi ba dahil masaya na sila ni William?

Naisip n'ya nalang na buti may closure na sila ni Luke kasi dati ay umasa ito sa binata.

"I'm sorry Sweetie, I didnt mean to hurt you. But believe it or not naguilty talaga ako. I'm sorry for breaking your heart. But at least someone healed your broken heart 'di ba? I can't wait to see you bunso. I'm going back to the Philippines soon. And please lets be friends again. Gaya ng dati." mahabang salaysay ni Luke.

Para namang natauhan si Azie, tama si Luke si William talaga ang dapat n'yang piliin. Ayaw niyang masaktan ang nobyo. Mahal na mahal na niya si William, ang nakaraan ay tapos na isa lang iyong kahibangan. Crush lang at iba na ang ngayon.

"Sorry din kuya. Tama ka saka tapos na 'yun kalimutan nalang natin. I'm excited to see you kuya." Unti unting anwala ang kaba sa puso ni Azie. Maluwag na niyang tinanggap na tapos na ang lahat na ang nakaraan ay dala lamang ng kabataan marahil hindi talaga pagmamahal iyong damdamin niya. Marahil isang paghanga.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon