Chapter Nineteen
Walang imikan sina Azie at Luke hanggang sa makarating ng bahay. Matamlay silang pareho na pumasok at hindi inimik ang mga tao sa loob.
"Anak bakit ganyan ang hitsura mo? Anong nangyari?" alalang tanong ni Fely sa anak maging ang ama nito ay nag aalala rin.
"Azie ang sugat mo dumudugo." Bulalas ng ate Hazel niya.
"Im fine po. Akyat na ako." Wala sa loob na umakyat sa kwarto niya.
Kaya si Luke lamang ang naiwan sa baba at siya ang nagpaliwanag sa nangyari sa ospital. Lahat ay nagulat sa mga rebelasyon ng naganap. Maging ang Ate Hazel niya at ang ina ay di maiwasang maluha. Naawa sila kay Azie at Luke.
"Hijo sana intindihin mo muna si Azie baka naguluhan lang. mahal ka niya." Alo naman ni Julius sa lalaki.
"Oho. Pero siguro kelangan niya lang ng time para mag isip. Bukas ho sa hotel na muna kami ni Miggy malapit sa opisina." Wika ni Luke.
"Hijo pero sino magbabantay sa bata pag sa opisina ka?" alalang tanong ni Fely.
"Luke ihatid mo nalang dito si Miggy sa umaga bago ka pumasok para may kalaro si Angelo." Sabad ni Hazel at tinutukoy nito ay ang anak na magtatatlong taong gulang.
"Okay sige ihatid ko nalang dito. Salamat. Sa ngayon hindi ko muna guguluhin utak ni Azie. Sa nakita ko kanina mukhang kelangan nila ng closure ni Will. Di ko siya masisisi dahil kahit na siguro ako baka nagawa ko din ang nagawa ni Will para di siya ipahamak. Ang pagkakaiba lang siguro bago ko siya iniwan noon dapat nagpaliwanag ako. Pero tapos na at nakaraan na iyon wala na pwedeng gawin. Kung sakaling si Will ang piliin niya ngayon kung mahal naman nila ang isa't isa sino ba naman ako para harangin sila." Mahabang pahayag nito kahit na nasasaktan ay walang magawa dahil yun ang dapat niyang gawin.
"Pero hijo sigurado kaming ikaw ang mahal niya." Singit naman ni nanay flor.
"Salamat ho. Si Azie ang makakasagot niyang nanay Flor." Ngumiti nalang si Luke at nagpaalam na umakyat na rin at puntahan si Miggy.
======
Pagkatapos mag usap ay umakyat si Fely upang puntahan ang anak. Hindi nakalock ang pinto nito kumatok siya...
"Tuloy." Mahinang tugon ni Azie.
"Anak." Tawag ng ina ng madatnan si Azie na nkahiga at lumuluha.
"Mom bakit ganun? Bakit kung kelan maayos na kami ni Luke bakit malalaman ko ang lahat ng ito? Bakit ? naguguluhan po ako. Pano kung di si Sophie humadlang sa amin siguro masaya na kami ngayon ni Will." Aniya.
"Anak naguguluhan ka? Di kaba sigurado sa pagmamahal mo kay Luke?" tanong ng ina.
"Mom mahal ko siya. Pero..."natigilan ito.
"Pero dahil sa nalaman mo nagdadalawang isip ka na. Anak sana mamili ka ng mabuti, mahal ka ni Luke mahalaga ka sa kanya. Hindi karapat dapat sa pagmamahal mo si Will dahil nagawa ka niyang saktan. Kahit na sabihin na pinagbantaan siya dapat gumawa siya ng paraan. Nag isip ng paraan para ipaalam sayo." Saad ng ina.
"Mommy hindi ko po alam." Naguguluhan si Azie.
"Aalis bukas si Luke. Sa hotel na muna titira habang nag iisip ka. Nasaktan siya dahil iniisip niyang si Will parin ang pipiliin mo." Malungkot na wika ng ina.
"Po??" napabangon sa narinig. Napangiwi dahil sa sakit ng sugat niya.
"Anak ang sugat mo. Linisin muna natin. Oo hayaan mo na din muna siya nasayo ang desisyon anak." Nilinis ng ina ang sugat niya. Saka iniwan si Azie upang magpahinga. Di na naghapunan si Azie ng araw na iyon.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
عاطفيةBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS