Finale

7.9K 144 14
                                    

FINALE




Wedding day



Ten a.m. ang simula ng ceremony.Lahat ay masaya at excited sa pag iisang dibdib ni Luke at Azie. Napuno ng nag gagandahang dekorasyon sa resort, maging simoy ng hangin ang dala ay halimuyak ng mga bulaklak sa paligid.


Hindi gaanong mainit, kahit ang panahon ay nakikiayon at nakikiisa sa kasalang gaganapin. Napakalawak ng bulwagan, ang olympic size swimming pool ay tinakpan ng fiber glass upang pansamantalang magiging sahig. dahil doon maglalakad ang bride. Sino ang hindi mamamangha? Nilatagan ng red carpet , makikita ang nakasuporta sa fiber glass mula sa baba ng pool, ang mga white and red rose petals na nakalutang sa tubig, ang kumikintab na mga cystals na nasa ilalim at maging ang white rose petals na binudbod sa pulang carpet. 


Sa dulo no'n ay ang arko ng mga halaman at bulaklak na magiging altar kung saan naroon na ang pari na siyang magkakasal sa kanila. Nakatayo na rin sa kanang bahagi ng altar si Luke na nakasuot ng ash colored tuxedo terno sa kanyang pantalon at itim na sapatos. Lumutang ng husto ang kakisigan at kagwapuhan ng binata kasama ng kanyang mga magulang.


Sa magkabilang side ng pool ay naroon ang mga nakahilerang mahabang mga puting upuan. Nagkalat ang disenyo na bulaklak, ribbons at baloons na kulay pula at puti. Hindi makakaligtas sa paningin ng kahit na sino ang isang life size na istatwa ng isang anghel na malapit sa altar. Kagabi palang ay may takip na itong tela. Kung titigang mabuti makikita ang mukha ni Azie sa anghel na iyon. Napakaganda at ito ay gawa din sa fiber glass.


Nakasara na ang gate dahil kompleto na ang mga bisita. Nagkalat parin ang mga nakacivilian na pulis sa paligid maging ang mga body guards. Pero wala nang naamoy na panganib sa paligid, lahat ng CCTV ay my nagmomonitor.


Nakahanda na ang maid of honor na ate ni Azie na si Hazel at ang mga abay .Ilang minuto lamang ay...........


"Guys ang formation. " mando ng baklang organizer. " Narito na ang bride" dagdag na sigaw pa nito.


Ang lahat ay tumahimik at pigil din ang hininga na nakatingin sa malaking pintuan. Dahil sa hotel ng resort na sila nagstay kaya hindi na kelangang ihatid pa si Azie ng bridal car.


Napalaki ang kanilang mga mata sa pagkamangha ng iniluwa ng pintong ito ang napakagandang bride. Nakayuko ito habang palabas, kasunod ng mga magulang at si Miggy.


Nag angat ng tingin si Azie doon sumilay ang napakaganda at nakakabighaning ngiti ng dalaga. Ang buhok ay naka braided bridal updo na may mga mumunting crystal na kumikinang pag natatamaan ng sinag ng araw. Natatakpan man ng veil ang mukha hindi parin nito matatago ang taglay na kagandahan ng dalaga na mas lumutang pa ang ganda sa simpleng make up nito at kulay ice pink na lipstick. 


Sa nangungusap at kumikinang na mga mata, sa matangos na ilong at manipis na mga labi papaano ba hindi mapapaibig ng paulit ulit si Luke? Sa kanyang white wedding gown na Off shoulder ay lalo kang masisilaw sa kaputian nito. Ang kabuuan ng damit ay mistulang damit ng isang prinsesa, napakaganda ng mahabang laylayan nito sa likod. Lumutang ang napakaliit nitong baywang.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon