CHAPTER ONE
Azie's POV
I'm Azeleah Marie Sanchez, you can call me Azie for short.Labing dalawang taong gulang. Mayro'n po akong kapatid. Si Ate Hazel Grace Sanchez o Ate Haze labing siyam na taong gulang naman siya.
Sa isang bangko naman nagtatrabaho ang aking Mommy Fely samantalang si Daddy Julius naman ay isang businessman, palagi nga lang nagtatravel.
May ikukwento sana ako sa inyo pero huwag kayong maingay ha?
Maniniwala ka ba na may crush na ako? Oo kapit bahay lang namin, nakilala namin siya mga 3 years ago. Napakabait niya, gwapo din at madalas nandito siya sa bahay namin nakikipagkwintuhan.
Masaya ako pag kalaro ko siya. He is Luke Fernandez 26 years old , hindi nila alam na talagang crush ko siya. Wala naman daw masama magka-crush 'di ba?Ang sabi ng teacher ko ang ibig sabihin ng crush ay paghanga.Pero naramdaman ko nalang isang araw...
Bakit gano'n parang masakit sa dibdib ng sinabi niya na may nililigawan na siya. Ang totoo mamya daw ipapakilala niya sa amin.Makababa nga muna tinatawag na ako ni Mom.
Pagbaba ko nakita ko si Ate nakangiti sa akin, lagi namang nakangiti 'yon.
"Hi sweetie akala ko hindi ka pa lalabas ng kwarto mo kahapon ka pa matamlay, may problema ba Zie?" Tanong ng Ate
"Wala po masama lang pakiramdam ko Ate, Mom ano po ang meryenda?" Baling ko kay Mommy.
"Ham and cheese sandwich and fresh orange juice anak." Tugon naman ni Mommy.
Umupo kaming tatlo na magkakaharap sa mesa. Linggo kaya nag-day off si Nanay Flor ang yaya/kasambahay namin kaya si Mommy ang naghahanda ng pagkain. Maging si Manong Armando ang driver naming ay wala rin.Malungkot talaga ako kaya di ako ngumingiti.
"Azie bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ni Ate habang nakatitig sa akin. Hindi na ako tumugon.
"Alam mo parang may nagbabago sa 'yo sweetie, dalaga ka na kung kumilos. Teka nga Mommy baka may crush na itong si Azeleah natin kaya nagpapaganda na." Panunudyo pa nito.
"Wala ah." Tanggi ko naman
"Shhh ! Hazel 'wag mo na nga lokohin ang kapatid mo, saka baby pa 'yan 'di ba Azie?" Lambing naman ni Mom habang pinupunasan ang labi ko.
"Excuse me po." Tatayo na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto.
Kumabog ng husto ang puso ko ng makita na si Kuya Luke ang nasa pinto at may kasama pa. Tuloy tuloy pa itong pumasok ng sinenyasan ni Mom na tumuloy.
"Hi tita, Haze and Azie. By the way this is my girlfriend Rhena. Rhena they are my friends at kapamilya na din," Nakangiti nitong saad habang pinapakilala kami sa nobya niya.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS