CHAPTER FIVE
Mula ng gabi ng Prom mas lalo pa pinadama ni William ang pag ibig niya kay Azie. Matutunan kayang suklian ni Azie ang pagmamahal ni William.?
Isang araw 'di nakapasok si Azie sa eskwela kaya tinawagan niya si William na 'di siya makakapasok dahil may lagnat siya. Kinahapunan tumungo ang binata sa bahay nila.
"Tao po." Tawag ni William.
"Oh! William ikaw pala pasok ka." Anyaya ni Nanay Flor.
"Si Azie may sakit daw po?" Nag aalalang tanong ng binata.
"Ah oo Hijo tumuloy ka nalang sa kwarto kanina pa mataas ang lagnat eh. 'Pag 'di pa bumaba mamaya dadalhin na siya sa ospital." Nag aalala ding pahayag ni Nanay Flor.
"Naku sige po aakyat nalang ako." Paalam nito.
"Sige Hijo kung pwede bantayan mo muna siya pauwi na rin si Hazel eh kailangan ko lang pumunta ng botika para sa gamot. Salamat 'nak ikaw na muna bahala sa kanya." Saad ni Nanay Flor.
"Oho sige po. Ingat po kayo." Nagpaalam na din si Nanay flor at tinungo na ni William ang kwarto ng dalaga.
Nahabag siya ng Makita ito. Namumula si Azie at makapal ang kumot na nakatakip sa katawan, sinapo niya ang noo . Mataas nga ang lagnat ni Azie.
"Luke." Tawag ni Azie malabo naman sa pandinig ni William, 'di niya malinawan kung ano ang sinabi ng tulog na dalaga.
"Baby... shhhh. Don't worry I'm Here. Si William to Zie." Wika ni William habang hinahaplos ang buhok ni Azie. Napamulat ng mata si Azie at ngumiti.
"Yammy. Salamat nandito ka. Sobrang masakit ang ulo ko. 'Wag mo ko iwan." Naiiyak na wika ni Azie at naluluha ang mga mata.
"Shhh. 'Wag ka na magsalita. Babantayan at aalagaan kita. Pagaling kan a baby." Ani William.
Tumahimik si Azie at nakatulog dahil sa sobrang sama ng pakiramdam niya. 'Di naman siya iniwan ni William. Maya maya ay dumating na si Hazel, nakita niyang tulog si Azeleah at nakaupo sa tabi ng kama niya si William tulog din.
"He is so sweet." Wika ni Hazel sa sarili habang nakangiting nakatanaw sa dalawang magkaibigan.
Maya maya ay umakyat din pala si nanay Flor nakatayo din sa tabi ni Hazel.
"Bagay sila 'di ba?" Singit ni Nanay Flor.
"Oho, kaso bata pa si Azie." Nailing namang wika ni Hazel.
"Hahaha, tama ka. Bilib din ako kay William napakatyaga niya kay Azie, at nakakatawa dahil spoiled n'ya masyado ang bunso natin. Hahah." Dagdag pa ng matanda.
"Oo nga 'nay. At mukhang mahal naman ni William si Azie higit pa sa isang kaibigan halata naman." Sabad pa ni Hazel.
"Halata nga Hija. Masaya sila sa isa't isa." Dagdag din ni nanay Flor.
Nagngitian nalang silang dalawa. Maya maya pa ay nagising na rin si William gabi na at pinauuwi muna siya ni Mommy Fely baka mag alala ang magulang niya.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS