Chapter Twenty Three
Kinaumagahan ay naunang mgising si Azie. Nang una ay nagtaka bakit naroon siya sa napakagandang kwarto na iyon. Saka napatingin sa katabi.
"Si Luke." Napangiti ang dalaga at saka naalala ang nagdaang gabi. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya ng maalalang fiancée na niya si Luke. At ikakasal na sila.
Nakayakap sa kanya ang lalaki, hindi siya agad gumalaw baka magising niya ang mahimbing na natutulog na lalaki.
"I love you so much Luke." Nakangiti niyang saad at hinimas ang buhok ng lalaki.
Iginiya niya ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Napakagandang umaga iyon lalo na magising na kasama ang lalaking kanyang pinakamamahal. Ilang minuto ay napaungol si Luke. At pupungas pungas ang mga mata na tumingala sa dalaga. Isang matamis na ngiti ang ginanti ni Azie sa kanya.
"Good morning." Bati ng dalaga.
"Good morning my sweetheart. Kanina ka pang gising?" tanong nito. Bumangon si Luke saka humalik sa kanya.
"Medyo." Sagot nito.
"Bakit di mo ako ginising?" ani Luke
"Nag eenjoy akong makita kang tulog habang yakap ako." Wika ni Azie na di matago ang kilig na nararamdaman.
Ngumiti naman si Luke sa tinuran ni Azie .
"Talaga lang?" sabay kurot sai long nito.
"Ouuuccchhh" reklamo naman ni Azie sabay hampas ng unan kay Luke.
Nagtawanan na naman sila. Hanggang sa napagod sa paghahabulan at kulitan.
"Haaaa..pagod na ako tama na." reklamo ni Azie. Umupo din sa tabi niya si Luke saka inakbayan at hinalikan muli sa noo nito.
"Thank you." Seryosong wika ni Luke.
"Para saan?" tanong ni Azie.
"Di ko kasi maalala kung kelan ako huling tumawa at humalakhak ng ganito." Seryoso parin ito. Isang ngiti ang pinakawalan ni Azie.
"Me too.. di ko alam kelan ako huling naging masaya tulad nito. I love you." Sagot ng dalaga.
"I love you too." At hinagkan siya ng lalaki sa kanyang labi.
"Ang mabuti pa kumain na tayo at ipaalam na natin sa lahat ang plano nating kasal." Masiglang sabi ni Luke.
"Mabuti pa nga..tara na gutom na ako.." wika ng dalaga.
Naligo muna sila bago dahil may gamit naman sila doon binili ni Luke bago sila tumungo doon. Ilang sandali lang ay hawak kamay nilang tinungo ang mini Resto sa loob din ng hotel. Labis labis ang kaligayahan ni Azie lalo na maalala na para sa kanya ang Resort na iyon.
Kumain silang dalawa at ilang oras din munang inikot ni Luke si azie sa kabuuan ng lugar. Mas maganda pala ang lugar na yun pag umaga.
Tanghali na nang umuwi sila sa bahay nina azie.
============
Walang pagsidlan ng tuwa ang pamilya ni Azie ng malaman ang tungkol sa pagpropose ng kasal ni Luke sa kanilang dalaga. Maging si Miggy ay labis din ang saya.
"We are happy for you Azie ,baby." Bati ng ama at hinalikan si Azie sa pisnge.
"Congratulations sa inyo Luke, Azie. Masaya kami na sa wakas magpapakasal na kayo." Segunda naman ng mommy ni Azie.
"Salamat po mommy and daddy. Masaya din po ako." Ani Azie.
"Dad , mom bukas po pupunta sina mama at papa para sa pamamanhikan. Masaya po sila at excited na makilala po kayong lahat." Nakangiting pahayag ni Luke sa magulang ng fiancee.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS