Chapter Twenty Five
Tatlong buwan nalang, nalalapit na ang hinihintay na kasal nina Luke at Azie. Lahat ay excited na at abala sa paghahanda.
Kompleto na ang mga damit ng abay, bride's maid, bestman at ng mga bata pati na rin pra sa mga magulang nila. Sa susunod pang buwan dadating at matatapos ang wedding gown ni Azie at ang ke Luke.
Si miggy ay patuloy ang pag aaral at kasalukuyan silang mag ama ay sa hotel nakatira. Si Hazel at Clint kasama ng kanilang anak ay babalik ng pilipinas a month before the wedding.
Isang umaga
"Sweetie?" bungad ni Luke pagdating kina Azie. Bahagyang nagulat pa ang dalaga sa pagsulpot ng mapapangasawa.
"Sweetheart akala ko ba bukas pa kayo pupunta ni Miggy dito? Namiss mo ko noh?" panunudyo nito kay Luke.
"Sobrang namimiss kita. Araw araw at oras oras.." sabay yakap at halik kay Azie.
"Asus...sana di ka magbago. Sana for ever kang sweet."Nakangiti namang saad ni Azie.
"Oo naman..teka nga pala bakit parang ang lalim ng iniisip mo kanina may problem ka ba?" takang tanong ni Azie.
"Kasi lately lagi ako nananaginip ng masama pero pag gising di ko naman matandaan ang panaginip ko." Malungkot na saad ni Azie.
"Sweetie wag kana magpaapekto panaginip lang yun. Isa pa wag mo na isipin, basta ko masayang masaya na ikakasal tayo. Walang makakapagpigil sa kasal natin kahit sino at kahit na ano. Kahit kamatayan pa." malambing na wika ni Luke habang yakap parin ang babae.
"Masaya din ako at di ko din hahayaan na maudlot na naman ang kasal ko." Sabay tawa pa ni Azie.
"Hep hep hep..pasalamat nga ko naudlot kasal mo ng una eh..kung hindi , hindi ka magiging akin. Akin ka lang.." natatawa ding pahayag ni Luke at sabay silang nagtawanan.
"Ah..nga pala si Sophie kinontak ko na ang sabi hindi niya alam kung makakauwi ng Pilipinas si William para makaattend ng kasal. Gusto ko sana nandito siya." Lumakad silang dalawa at tumungo sa sofa para umupo.
"Sure ka na okay lang kay Will na umattend sa kasal natin?" nag aalangang tanong ni Luke.
"Oo naman noh. Saka Will and Sophie are planning to get married soon pag nakabalik na si Will." Sagot ng dalaga.
"But." Ani Luke
"But?? Teka nga, nagseselos ka pa ba?" natatawang tanong nito.
"Ha? Ako? Hindi ah..hindi ako nagseselos. Okay sige na di naman ako nag aalala eh." May halong pangamba pa rin si Luke.
'Baka mahal kapa kasi niya kaya ayaw kong dumalo siya at tumutol lang.' bulong ni Luke sa sarili.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS