Chapter Sixteen
"What nagawa mo yun?" Bulalas ni Luke nang matapos na magkwento ni Azie.
"Yup. Di ko nga alam pa'no ko nagawa 'yun." Nakangiti parin nitong sabi habang prenteng nakaupo sa sofa.
"You're crazy sweetheart 'wag mo na ulitin baka balikan ka ni Sophie. Di mo kilala ang ama niya. Isang maimpluwensyang pamilya ang kakabanggain mo." Nasa tono nito ang pag aalala bahagya ding nabahala si Azie sa narinig.
"Well 'di ako takot kay Sophie. Siguro naman hindi makikisali ang ama niya diba?"
"We don't know. Please promise me na wag mo na ulit galitin yung babaeng yun okay?" saka kinuha ang palad ni Azie.
"Promise hindi na, last na yun." Ngumiti ito at itinaas pa ang kanang kamay tanda ng pangangako. Lumapit si luke at umupo din sa tabi niya nilagay nito ang kamay sa likod ng dalaga. Humilig sa kanyang dibdib si Azie.
========
Luke's POV
I am scared.
*FLASHBACK*
Habang ako'y galing ng trabaho papunta na kina Azie. Tumunog ang cellphone ko.
"Hello" bungad sa kabilang linya.
"Hello Who is this please?" tanong ko naman.
"Im Mr. VillaFranca, Sophie's father. Ayoko ng magpaligoy ligoy pa take your woman away from us.Lalo na sa asawa ng anak ko or else I will take her away for you." Deretsang pahayag nito.
"Sir di ko po kayo maintindihan, ano ba ang sinasabi nyo?" takang tanong ko.
"Sasabihin ko na sa iyo ang lahat Luke Fernandez at aasahan kong hindi makitid ang utak mo upang maintindihan ang sinasabi ko." Simula nito. Ngunit nagpanting ang tenga ko sa tinuran ng matandang Villafranca hinayaan ko na lamang na magsalita ito.
" Si Azelea Marie sanchez ang dahilan kaya nag-aaway madalas ang anak ko at Si William. Lagi ko nakikitang malungkot ang aking Unica hija , bilang magulang siguro hindi mo naman hahayaan na masaktan ang iyong anak diba?" seryoso niyang saad. "May anak ka si Miguel kaya alam mo ang sinasabi ko." Dugtong pa nito.
'Talagang nag-imbestiga ito sa amin'
"Pero wala namang kasalanan ang kaibigan ko kung mag away sila Mr. Villafranca, bakit ho hindi si Will at Sophie ang pagsabihan nyo. Matanda na sila at alam na nila ang ginagawa nila. Di ho ba dapat sila ang dapat lumutas ng anumang problema nila at hindi kayo dapat manghimasok dun?" matapang ko namang sagot.
"At matalas pala ang dila mo Mr. Fernandez!!" galit nitong saad.
"Binabalaan kita get that Azie out of my daughter's way or else.." banta nito.
"Or else?? Di naman po yata tama na magbanta kayo. Maaasahan mo hindi na muling haharang sa daan mo si Azie. Pero binabalaan ko rin po kayo kung may mangyaring masama kay Azie ikaw ang mananagot kahit sa ano mang paraan. Di ho ako natatakot sa inyo. Lalaki po kayo sana wag patulan ang away ng mga babae.!!" Galit ko ding tugon sa kanya. Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Lapastangan ka para magsalita ng ganyan sa akin baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo. Ano mang oras pwede ko kayong ipaubos sa mga tauhan ko." Galit nitong pahayag at pinatay na lamang ang telepono.
Nag-aalala ako kay Azie sa maaring gawin sa kanya ng ama ni Sophie o maging ni Sophie. Kaya kelangan ko siyang bantayan palagi.
*END OF FLASH BACK*
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS