CHAPTER TWO
Masayang masaya si Azie ng gabing iyon, nakatulog na may ngiti sa mga labi.
Kinaumagahan maagang pumasok sina Hazel at Azie ng school naunang hinatid ni mang Armando si Azie bago ihatid sa University si Hazel dahil magkalayo ito ng pinapasukan.
Naging masigla at active si Azie sa school. Isang matalinong bata ito, laging nagpaparticipAte sa lahat ng mga activities. Hindi mahiyain at 'yun nga lang makulit.
Naglalakad na palabas ng gAte si Azie ng...
"Ouch..sino yun?" Kamot kamot ang ulo at palinga-linga kung saan nanggaling ang bolang tumama sa kanya.
"Sorry ako 'yun." Sabi naman ng batang lalaki na papalapit sa kinaroroonan niya. Yumukod ito upang pulutin ang bola.
"Sa susunod pwede ba mag-ingat kayo nang wala kayong matamaan? Masakit kaya 'yun, gusto mo ikaw ang batuhin ko ng bola na 'yan ha?" Mataray na wika ni Azie habang nakataas pa ang isang kilay.
"Sorry na nga eh! Ikaw naman hindi naman sinadya." Wika naman ng bata.
"Bakit anong problema Aaron?" Tanong ng lalaking dumating.
"Kuya kasi itong babae nagalit sa'kin 'di ko naman sinadya na matamaan s'ya ng bola eh." Sumbong ng Aaron sa kapatid.
"Naku sorry ha pasensya ka na sa kapatid ko." Wika ng lalaki.
"Kuya nag-sorry na ko diyan 'wag ka na mag-sorry pa. Hmmp tara na suplada 'yan eh." Maktol naman ng bata.
"Aba'y ikaw ang suplado ha pasalamat ka bata ka sa akin kung hindi kanina ka pa natamaan diyan." Pagtataray naman ni Azie.
"Hep hep hep tama na ang away. Anong pangalan mo?" Tanong ng Kuya nito.
"Azie."
"Azie pasensya ka na ulit. Ako nga pala si William. Aaron's brother. Pasensya ka na ulit kung natamaan ka niya." Matamis ang ngiting wika niya kay Azie.
"Ah nice meeting you William. Okay na, pasensya ka na rin kung nagsuplada ako." Nakangiti namang ganti ni Azie.
"Kuya ! Hey lets go. Baka naghihintay na ang driver natin." Yaya ni Aaron sa Kuya na nakatitig pa rin kay Azie.
"Excuse me? May dumi ba ko sa mukha?" Tanong ni Azie sa binatilyong kaharap.
"Ah...eh wala naman. Ganda mo kasi. Sige ba bye, see you again soon." Nakangiti namang sabi ni William at kumaway pa sa kanya bago tuluyang sumakay ng sasakyan nila.
***
Azie's POV
"Maganda daw ako? Hehehe talaga?"tanong ko sa sarili. Parang baliw lang.
"Hija tara na susunduin natin ang Ate mo baka naghihintay na 'yun maaga ang labas niya wala daw pasok mamyang hapon eh." Tawag naman ni mang Armando sa 'di kalayuan.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS