Chapter 24

3.6K 69 1
                                    

Chapter Twenty Four

"Kaya pumapel ka na?" sagot nito na halata din ang inis sa kanya.

"Pumunta kaba dito sa bahay ko para lang pagsalitaan ako ng kung ano ano?" galit na saad ni Azie. di nila namalayan na naroon na ang magulang niya at pababa na ng hagdan ang mag ama.

"Wag kang makampante dahil di kayo sasaya." pabulong na sabi ni Tricia.

Akmang sasampalin na ni Azie si Tricia ng...

"Dont" sigaw ni Miggy mula sa hagdan. parang natauhan naman si Azie sa ginawa. lalo na ng tumakbo palapit si Miggy sa ina.

"Bakit po kayu nag aaway?" tanong ng bata.

"No baby. ito kasing si Mommy Azie mo inaaway ako ang totoo pinuntahan ko lang kayo ni daddy dito. saka miss na kasi kita." pag iinarte nito.

Tumingin ang bata kay Azie.

"Its not true miggy siya kasi ang unang umaway sa akin." sumbong ni Azie. Agad na bumaba si Luke upang pumagitna sa dalawa.

"Tricia umalis ka na muna dito wag kang manggulo." wika ni luke.

"Ganito ba dito kampihan? di mo alam ang nangyari tapos kakampihan mo yan?" sabay duro ni Tricia kay Azie.

"Tricia please." saway ni Luke.

Biglang sumabat si Julius.

"Tama na iyan. Tricia sana man lang gumalang ka lalo hindi ka naroon sa iyong sariling pamamahay. narinig namin ang masasakit na sinabi mo sa aking anak kaya walang dahilan upang magkampihan. kung alam naming mali ang anak namin di namin yan kakampihan. hindi tamang paratangan mo ang anak namin ng kung ano ano." wika ng ama ni Azie na medyo naiinis na rin.

"Luke mabuti pa ay umalis na muna kayo. Ayaw naming maging bastos pero hindi tama ang ginawa niya kay Azie." galit na saad ng ina ni Azie.

"Sorry po." yumuko si Tricia na lumakad palabas.

"Sige po ihahatid ko na lamang siya sa hotel niya." yun na lamang ang sinabi ni Luke at tumungo na rin sa sasakyan.

"Miggy you wait here." utos ni Luke sa anak. tumango ang bata.

"No isama mo si Miggy sa akin." matigas na saad ni tricia.

"Anak sasama ka ba kay mommy?" tanong niya kay Miggy. tumingin ang bata kay Luke saka tumingin ulit sa ina at tumango.

"Sasama ako dad please?" pakiusap niya sa ama. tumango na lamang si Luke sa anak at sumunod na ito.

Habang si Azie naman ay tumakbo paakyat papunta sa kanyang kwarto.

Sumunod ang ina niya...

"Anak" tawag ni Fely sa kanya.

"Pasok ka mom" sagot ng dalaga na nakadapa sa kama. pilit na tinatago ang luha na kanina pa nais kumawala sa mga mata niya.

"Anak narinig namin ang usapan nyo kanina. tama lang ang ginawa mo na sumagot lalo walang katotohanan." wika ng ina at hinahaplos nito ang mahaba niyang buhok.

"Mom" pahikbi hikbi na si Azie. "PEro baka magbago ang tingin sa akin ni Miggy. lalo na kanina na nakita niyang sasampalin ko ang mommy niya." alalang saad ni Azie.

"Anak malaki na si Miggy maiintindihan niya pag nalaman niya ang totoo. mahal ka ng bata kya wag kang mag aalala di yun magbabago." pag alo ng ina niya.

Bumangon si Azie at umupo. "Mom..balak niyang kunin sa akin si Luke." takot na napayakap sa ina.

"Anak wala siyang magagawa dahil kayo ni Luke ay ikakasal na. kung ako sayo bantayan mo nalang si Luke. isa pa anak alam ko mahal ka niya kaya walang dahilan para maagaw pa siya." saad ng ina.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon