CHAPTER FOUR
Naging mahirap sa dalawa ang lahat lalo na at walang alam ang pamilya ni Azie. Matapos ng dalawang araw saka lang naisipan ni Luke na basahin ang huling sulat na nakuha ng gabing nabisto si Azie.
****
Luke's POV
Hindi parin kami nagkita ni Azie 'di pa ako nakakapunta sa kanila. 'Di ko alam papa'no haharapin ang batang 'yun, kahapon nakita niya ako sa labas ng palabas din siya para pumasok ngunit matamlay na ngiti lang ang binigay niya 'di ko alam kung pa'no ko nagawang magbago si Azie. Sana maibalik ko ang pagiging jolly niya 'yung hindi na sya ngingiti ng pilit. Kinuha ko sa drawer ang sulat at binasa.
Dearest Luke,
Sana isang araw matanggap mo din ako bilang ako, sa ngayon umaasa parin akong isang araw may magmamahal sa akin kung mayro'n man gusto ko katulad mo.
Ayokong nasasaktan ka. Ang saktan ka ang pinakahuling bagay na hinding hindi ko magagawa. If one day you will love someone else sana mahalin ka niya ng buong buo.
Be strong Luke, 'wag mo hayaan na lamunin ka ng kabiguan, I am always here for you. Kung kinakailangan na habang buhay akong magtago sa katauhan ni Angel gagawin ko maging bahagi lang ako ng buhay mo.
Dahil ramdam ko pag nakilala mo 'ko maraming magbabago at 'yun ang kinakatakutan ko.
Be strong, be brave and may God bless you always.
Angel
Lalo akong nag alala para kay Azie pero tama lang na lumayo ako para 'di na masaktan ang bata.. "Azie babalik ako , at isang araw pasasalamatan mo ako. Dahil isang araw magmamahal ka at may magmamahal sa'yo. Mamumulat ang mata mo na lahat ng ito ay isang pambatang issue lang..Maybe a puppy love." Usal ko sa sarili.
***
Nasa school si Azie isang umaga, mayroon pala silang visitor. Naghihikayat sa mga batang magworkshop sa iba't ibang larangan at madiskubre ang mga natatagong galing. Mayro'ng workshop sa painting, singing, dancing, dress making, baking, accessory making at iba pa.
"Mukhang maganda ang mga workshop na 'to ah, magpapaalam ako kay mom." wika ni Azie sa sarili.
Iyon ang ginawa niya ang mag enroll sa workshop para sa bakasyon. Dalawang buwan nlng graduate na siya sa elementarya.
—-
Isang sabado.
Dalawang linggo nalang din ay aalis na si Luke. Pinaalam na nito ang pag alis n'ya.
Dumating ang daddy ni Azie ng araw na iyon kaya my munting salo salo sa bahay ng mga Sanchez at inimbitahan si Luke ng mga ito. Ito din ang unang magsasama sila ni Azie matapos ang gabi ng rebelasyon.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS