CHAPTER SEVEN
Nakatayo ang dalawang binata sa tabi ni Azie. Pero 'di na nagdalawang isip na abutin ang kamay ng nobyo bago bumaling kay Luke.
"Sorry kuya later nalang after naming sumayaw ni William." Magalang na sabi ni Azie kay Luke. Tumango nalang ito at ngumiti sa dalawa.
Kay sarap sa tainga ng musika, kasabay ng sayaw ng magkasintahan ang mga ngiti sa kanilang mga labi na hindi matatawaran. Ngunit maya maya ay..
"Baby, kung hindi ko alam na si Kuya Luke ay kaibigan n'yo at kapatidang turing niyo iisipin ko may nakaraan kayong dalawa." Maya mayang wika ni William.
Nabigla naman si Azie sa sinabi ng kasintahan. "Bakit mo naman naisip ya ha?" ngunti pinipigil ang boses na manginig ayaw nitong malaman ni William ang katangahang nagawa niya nakakahiya.
"Ang expression ng mukha mo kanina ng makilala siya, ang mga mata mo na hindi maalis sa mukha niya doon nakita ko na parang iba. May dapat ba akong malaman?" Mahinahong tanong nito at 'di maikaila ang selos sa mata niya.
Pinapakalma ni Azie ang sarili at sumagot.
"Wala kang dapat malaman dahil wala namang dahilan para mag isip ka ng ganyan. Nabigla lang ako kanina 'di ko inasahan na sa loob ng higit limang taon magkikita kami muli masaya din ako na narito na si Kuya. Look at him babe he is 14 years older than me sa tingin mo may kung ano pang mamamagitan samin? Hahaha babe baka nga may asawa na 'yun. Mahal kita sana 'wag mo pagdudahan 'yun. Nagseselos ka noh?" Nakangiti naman na wika ni Azie upang mawala na ang alinlangan ng nobyo,
"Oo nagselos ako kanina kasi parang tumigil ang mundo mo eh. Saka in love 'di ba age doesn't matter? Mahal na mahal kita siguro 'di lang ako sanay na may iba pang naglalambing sayo, nasanay ako na kami lang ng dad mo ang lalaki sa buhay mo. Mahal kita Azeleah gagawin ko lahat para lumigaya ka."
Malungkot at madamdamin niyang saad sa nobya.
Azie smiled sweetly. Tinaas ang kamay at hinaplos ang pisngi ni William.
"Babe William, I love you too trust me, saiyo lang ang puso ko. Yes age doesn't matter 'di ba nga you are 4 years ahead sakin minahal talaga kita. At sobrang nagpapasalamat ako sayo, ikaw ang buhay ko kayo ng pamilya ko. Paniwalaan mo sana ako." Taos pusong wika ng dalaga.
Halos matunaw naman ang puso ni William sa narinig mula dito. Hinalikan niya ang noo ni Azie at napapikit ito. Pareho silang nakangiti at masaya. Hinihiling nila na sana 'di na matapos ang gabing iyon.
Maya maya ay may umeksena na..
Magkayakap ang dalawa at biglang sumulpot mula kung saan si Luke.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS