Chapter 14

3.5K 68 0
                                    

Chapter Fourteen

            Hindi alam ni Azie kung pano magrereact ng makita sina Will at Sophie doon.  Saglit na nawalan ng sasabihin ngunit si Luke ang unang nagsalita.

"Long time no see Will. How are you?" kaswal na wika ni Luke.

"Im fine." Sagot nito na di makatingin sa mukha ni Luke at halatang kay Azie nakatuon ang pansin.

"So you must be Sophie? You're beautiful" Sarkastikong sabi nito. Ngumiti ng matamis si Sophie sa narinig.

"Thank you so much. Hmmm Honey they are your friends right?" tanong niya sabay baling kay Will. Sasagot pa sana si Will..

"How come na makalimutan mo kung sino kami, or kung SINO AKO." Nakangiti din si Azie ngunit may diin na wika niya. Parang namutla naman si Sophie at biglang sumimangot.

"Miggy meet tito Will and tita Sophie. KAIBIGAN sila naming ni Daddy." Pormal na pagpapakilala niya dito.

Umupo si Will at kinamayan si Miggy.

"You're a good looking guy men. " si Will.

"Thank you." Tipid na sagot naman ni Miggy.

"Hi little boy." Bati naman ni Sophie at humalik sa bata.

Inakbayan ni Luke si Azie sa pagkakataong iyon hindi ngpahalata si Azie na nagulat siya sa ginawa ni Luke. Ngunit muntik na siyang mapatalon talaga sa pagkabigla. May munting kiliti kasi iyon na dinulot sa kanya.

"Honeymooners ba kayo?" deretsang tanong ni Luke kay Will at Sophie.

"Y-yes.. second day na namin dito." Naiilang na sagot ni Will. Habang si Sophie ay parang tuko kung kumapit sa asawa niya.

"Oh wow congratutations. Di man lang kayo nag imbita." Nakangiting sagot ni Azie kaya biglang napatitig si Luke at Will sa dalaga. Napangiti naman si Sophie dahil nakita niyang wala na itong epekto kay Azie.

"Daddy di pa ba tayo sasakay ng boat?" inip na tanong ni Miggy.

"Okay lets go baby." Yaya ni Azie. "So we have to go now guys. We are happy for you. " walang halong kaplastikan na sabi ni Azie.

"Okay see you around." Matabang naman na sagot ni Will.

Naghiwalay sila ng daan. Maya maya lamang ay nasa bangka na sila. Masaya at nag eenjoy si Miggy habang si Luke ay kumukuha ng mga larawan nila. Si Azie ay hindi naman mapakali at parang may bumabagabag sa kanya. Matapos ang 30 minutes ay natapos ang pagboboating. Nagpasya muna silang kumain muna ng panghalian.

Habang kumakain hindi parin gaanong umiimik si Azie.

"Sweetie?" agaw pansin ni Luke.

"Hah?" biglang sagot ni Azie. Pinisil ni Luke ang mga kamay ni Azie. Kahit ngumiti siya ay di maitatago ang lungkot sa mga mata.

"Are you okay?" worried na tanong ni Luke.

"Ohh..yes im okay. Medyo napagod lang siguro ako." Iwas tingin si Azie di makuhang salubungin ang mata ng kaibigan.

"Im sorry. Di ata tama na dito tayo tumuloy. Nasira ko ang mood mo." Anas ni Luke. Nalungkot si Luke. Habang aliw na aliw naman si Miggy sa kinakain di alam ang pinag uusapan ng dalawa.

"No.. Luke im really okay. Ang liit lang kasi ng mundo hindi pa pala ako handa na makaharap sila." Yumuko si Azie.

"Akala ko pa naman nakamove on kana. Pero bakit naaapektuhan ka pa rin?" may halong tampo at hinanakit na tinig nito. Parang nakonsensya tuloy ang dalaga.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon