Chapter Twenty Two
Mataman na tinitigan ni Luke ang nobya. Walang kurap naman si Azie na naghihintay sa sasabihin ni Luke. Nais ng matunaw ni Azie sa titig na iyon. Gusto man niyang sabihan ang lalaki na bilisan na at magsalita ayaw naman niya sirain ang moment na yun.
Napakagat ng ibabang labi si Azie dahil gusto na niyang sabihing "Oo...oo na tinatanggap ko." Pero naghintay parin..
"Azeleah Marie Sanchez" simula ni Luke.
'Sa wakas nagsalita ka din.' Hiyaw ng isip ng dalaga. Pigil na pigil ang kilig at nakangiti na nakatingin lamang sa kaharap.
"Mula noon ng bata ka pa, naging bahagi ka ng buhay ko. Lumayo man ako pero tadhana na ang nagdikta na bumalik muli upang alagaan ka. Di man noon masabi pero sa puso ko may puwang ka talaga." Madamdamin na wika ni Luke. Pigil din ang pag hinga nito na halatang kabado at excited.
" Pinangalanan ka mang Miss broken hearted bride noon pero ng sandaling iyon marahil sinadya ng tadhana na masaktan ka at lumuha. Dahil darating ako para sagipin ka. Dahil dadating ako para hilumin ang sugat na dulot nito sa puso mo." Saad ni Luke.
"Marahil sinadya din ng tadhana na di kami magkatuluyan ni Tricia dahil iisa lang ang pwedeng mag may ari ng puso ko. Ikaw at ikaw lang. Kasabay ng pag agos ng mga luha mo, kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pagsibol ng bagong pag ibig. Pag ibig na pag sasaluhan nating dalawa. Time taught us to wait , We taught each other how to love again, and as a reward..." tumigil saglit at nilagay ang mga palad sa mukha ni Azie.
Hinawakan niya ang pisngi nito at ipinagdikit ang noo niya sa noo ng dalaga. "Dahil sa matyaga din akong nag hintay.. as a rewad. He gave me you, he gave the most precious woman on earth to me. " dagdag pa niya.
Di alam ni Azie kung bakit parang makata yata si Luke.
"Never think about your past it will just bring you tears, don't think about the future dahil ako na ang gagawa nun para sa atin." Wika ni Luke saka muling tumayo ng tuwid at muling hinawakan ang kamay ng dalaga.
"As I promised God na pag ako ang pinili ng puso mong mahalin hinding hindi na kita pakakawalan pa kahit kelan." Dagdag pa nito. Saka may kinuha sa bulsa.
Isang red little box at binuksan niya iyon. Kumikinang sa ganda ang diamond ring. Kinuha niya iyon at lumuhod..
"Now Miss Azeleah Marie Sanchez, maari ko bang palitan na ang pangalan mo at maging Mrs. Azeleah Marie Fernandez? And I promise you hinding hindi ka na muli tatawagaing Broken hearted bride." Nakangiti ntong saad.
"Spend the rest of your life with me, Please marry me." Malambing niyang saad na nais na ring umiyak.
Hindi maampat ang mga luha ni Azie sa sandaling iyon kanina pa niya pinipigil ang mga luhang gustong umalpas sa mga mata. Nais niyang sumigaw sa sobrang tuwa. Walang pagsidlan ang kaligayahang kanyang nadarama. Ibang iba sa pakiramdam niya noon ng alukin siya ng kasal ni Will. Walang kaabog abog na sa sumagot.
"Yes..yes Sweetheart, I want to spend my life time with you. God knows how much I love you and how much I prayed for this day." Habang tuloy parin ang pag iyak.
Isinuot ni Luke ang singsing at tumayo niyakap ang dalaga. Sa pagkakataong iyon naluha na rin si Luke.
"Marunong ka palang umiyak sweetheart." Natatawang biro ni Azie kay Luke.
"Ofcourse. Im so happy di ko alam pano iexpress ang kaligayahan ko ngayon.. Thank you so much sweetie. Thank you. I promise to hold you for ever and never ever hurt you." Pagkawika ay inilapit niya ang mukha sa dalaga upang hagkan ito sa mga labi.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS