Chapter Twelve
Pag alis ni Azie sa mall ay agad na nagtungo sa sasakyan. Di niya alam kung ano ang magiging reaction ang gulo gulo ng utak niya. Nais niyang umiyak dahil sa hindi pagsabi ni Luke na may asawa at anak na ito. Pero ano ba ang karapatan niyang magalit?
==========
Azie's POV
Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Di ko alam kung kanino lalapit dahil si Luke at William lamang ang naging kaibigan ko. Ilang sandali lang namalayan ko nalang na nasa labas na ako ng opisina ni William. Para akong tanga na lumuluha nakatanaw sa gusali kung saan ang opisina ni Will. Bumaba ako ng kotse at tumayo lamang. Patuloy ang pagpatak ng mga luha ko.
"Azie?" tawag ng isang lalaki kaya lumingon ako.
"Will?" sambit ko..waring nakalimutan ko ang ginawa niyang hindi pagsipot sa kasal namin.
"Anong nangyari sayo Azie bakit ka umiiyak." Tanong niya. Kita ko sa mga mata ang pag aalala niya sa akin.
"Bakit? Ano ba ang kasalanan ko?" di ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko sa harap niya.ang sakit ng dibdib ko parang bumalik ang sakit ng pag iwan sa akin ni Will parang kahapon lang nangyari. Bumalik lahat lahat naparang nadoble dahil sa ginawa ni Luke. I need an answer. I need answers..
"Lets go. Dun muna tayo sa coffee shop dun tayo mag usap." Sabay akay niya sa braso ko, ako naman wala sa loob na sumabay nalang sa agos. Nakaupo ako sa tabi niya habang nagdadrive siya.
=====
Dinala ni Will si Azie sa coffee shop. Hindi alintana ni Azie na may mga matang nakatuon sa kanila pagpasok doon hindi ito nahihiyang makita siya ng iba na umiiyak. Umorder muna si Will ng Toasted almond coffee and a slice of cake for Azie.
Maya maya ay hinatid na sa table nila ang kanilang order. Hindi parin maampat ang pagluha ni Azie sa mga oras na iyon tahimik at di mahulaan ni Will ang nasa isip.
"Now talk." Utos ni Will. Di niya maitago ang pag aalala sa dalaga.
"I loved you with all my heart. I trusted you but then nagawa mo paring durugin ang puso ko." Mahina ngunit may diin na pagkasabi ni Azie. Patuloy sa pagdaloy ng luha sa mga mata at nakayuko.
"I am sorry. Kahit habang buhay pa akong humingi ng tawad gagawin ko. Hindi mo alam kung gano ako pinahirapan ng konsensya ko hanggang ngayon nag aalala ako sa kalagayan mo." Tapat na saad ni will hinawakan niya ang kamay ni Azie at Pinisil. Ang totoo ay kanina pa niya gustong yakapin ng mahigpit ang dalaga. Sobrang namimiss na nya ito.
"I am really really sorry Azie. Pinagbabayaran ko parin ang nagawa kong kasalanan. Alam kong di mo maiintindihan ngunit sana pagdating ng panahon makuha mong intindihin." Makahulugang wika niya.
" Ang haba haba ng taon na pinagsamahan natin di ko lubos na maisip na ganito. But I started to move on. Sa tulong ni Luke." Lalo siyang napaiyak ng sambitin ang pangalan nito.
"Mabuting magkaibigan parin kami pero niloko din ako. May asawa at anak na rin di man lang sinabi sa akin. Kayong dalawa ang tanging kaibigan ko. Bukod sa pamilya ko kayong dalawa ay yaman ko. Pero sa isang iglap nawasak na ang lahat. Hindi ko alam kung na bakit dito ako dadalhin ng mga paa ko. Di ko alam kung tama bang narito ako sa harap mo. Kahit na ikaila ko di maitatago ang sakit na ginawa mo." Nag angat ng tingin si Azie kaya nagtama ang kanilang paningin.
"I still love you Will..But loving you kapalit nun ay pagkamuhi ko din sa sarili ko. I hate that I love you." Halos wala ng boses na saad niya.
Nadudurog ang puso ni Will sa nakikita. Lumapit siya at niyakap ang dalaga.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
Roman d'amourBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS