Chapter 17

3.7K 71 0
                                    

Chapter Seventeen

"Please Andrew kalimutan na natin. Pakiusap wag ngayon sige sige makipagkita nalang ako sayo next day." Napilitang sagot ni Sophie na halatang kinakabahan at takot.

"Good..so it's a deal?" ngiting aso ito at sabay kamay kay sophie.

Natapos ang event lingid sa kaalaman ni Azie na may nagbabadyang panganib para sa kanya.

===========

Gabi kinabukasan galing sa trabaho si Azie dumating na sa bahay mag isa lamang dahil di na nagpasundo kay Luke.

"Oh anak narito kana buti naman kanina pa naghihintay ang bisita mo." Kaswal na bungad ng kanyang ina.

"Ha? Bisita po ma wala naman ako inaasahan eh." Takang tanong ng dalaga.

"Oo si Andrew daw.Sige na pasok ka na anak." Yaya ng kanyang ina. Agad na pumasok si Azie at nakita niya sa sala si Andrew na nakaupo roon. Lumingon ito sa kinatatayuan ng dalaga. maging si Azie ay naguguluhan kung bakit nasa bahay nila ang binata. Ngumiti ito sa kanya at tumayo. Nakaporma ito may hawak na bouquet of red roses at may bitbit ding regalo.

'Hmmm..anong masamang hangin ang nagdala sa lalaking to dito.?' Tanong ni Azie sa sarili.

"Hi good evening Azeleah." Bati ni Andrew sabay abot ng bulaklak at regalo. "For you."

"Good eve din. Thank you pero sana di kana nag abala." Magalang na wika naman ng dalaga. Lumapit si Azie at pinaupo ito. Umupo din siya sa kabilang upuan.

"Bakit ka nga pala naparito Andrew?" tanong ulit ni Azie.

"Ah..eh.. kasi." Utal utal nitong sagot.

"Hey??" saway ni Azie na natatawa sa reaksyon ng binata.

"Ang totoo niyan di na ako magpapaligoy ligoy pa. nais sana kitang ligawan kung mamarapatin mo?" sinsero nitong pahayag. Nais mangiwi si Azie dahil ayaw niya itong ipahiya.

'Gosh umiwas ako sa mga ganito ikaw ata ang mahirap iwasan. Luke nasan ka na ba?' reklamo ni Azie sa sarili.

"Pero ayaw naman—-"  di na natuloy ni Azie ang sasabihin dahil bumaba si Miggy (ang totoo ay sinadya ng mommy ni Azie na utusan ang bata na bumaba at pumunta sa mommy niya.)

"Mommy." Masayang tawag ni Miggy kay Azie.

'Thanks baby for saving me.' Nakahinga ng maluwag si Azie.

"Hi baby boy. Bakit gising ka pa?" Sambit ni Azie sabay halik sa bata.

"Naku pasensya kana Andrew ha..Teka." tumigil ito at tumayo.

"Sandali lang miggy umakyat kana at may bisita pa ako. Ano ang gusto mo Andrew coffee, juice? Anything?" alok ni Azie.

"No thanks." Sagot ni Andrew saka naman umakyat muli ang bata at umupo din muli si Azie.

——iyon ang eksenang nabungaran ni Luke pagdating sa pinto ng bahay.

"Andrew? Gabi na ah." Nakatawang bati ni Luke. Ngunit bahagyang nainis ng may makitang bulaklak sa tabi ni Azie.

"Oh mukhang hindi ako ang pinunta mo dito Drew?"  makahulugang wika ni Luke. Di naman makagalaw si Azie sa kinauupuan kilala niya si Luke kaya alam niyang nagseselos na ito.

"Pare dito ka nakatira? Akala ko magkaibigan lang kayo?" tumayo si Andrew nab akas ang pagkabigla sa hitsura nito.

"Oo pare.."nakangisi nitong sagot. "Di ako nakatira." Pang asar nito.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon