Chapter 11

3.5K 63 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

"Baby okay tomorrow uuwi si Dad. See you , pakabait ka wag mo pahirapan si Yaya Lisa ha?" ani Luke.

"Yehey..sige po see you tomorrow dad. I love you. Good boy po ako daddy." Wika naman ng bata na tuwang tuwa naman.

"Okay good boy... I love you too son." Sagot naman nito sa anak.

Nagpaalam na ang mag ama sa isa't isa. Muling binaling ni Luke ang paningin sa mahimbing na natutulog na dalaga..

"She is so beautiful." Sambit nito.

==========

Azie's POV

Nagising ako ng may naramdaman na meron akong kasama, inaantok parin kaya di ko muna minulat ang mata ko.

"She is so beautiful." Ang narinig ko...Di ako pwede magkamali si Luke iyon. Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko kaya minulat ko ang aking mga mata. Nagulat si Luke kaya biglang binawi ang kamay.

"Gising kana.. Kamusta ang araw mo sweetie?" agad na tanong niya.

"Im fine.." sagot ko nalang ngunit blanko ang mukha.

"Ahh..Azie may sasabihin sana ako." Nag aalangang tanong ni Luke.

Umupo muna ako sa sofa at tumingin sa kanya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Pinuntahan ko si William sa ospital. Binugbog ko siya." May bahid ng galit na saad niya. Kinabahan naman ako at nag alala para kay Will.

"Whaaat??? Kamusta na sya? Is he okay? Wait tatawagan ko siya. Bakit mo ginawa sa kanya iyon ha?" gulat kong tanong at sobrang nag aalala talaga ako. Kukunin ko na sana ang cellphone ko pero pinigil niya ko.

"Azeleah!!!!!" mautoridad na sabi niya.

"Sa ginawa nya sayo siya parin inaalala mo? Ganun kana ba talaga ka tanga o nagtatanga tangahan ka lang? Can't you see?? He doesn't love you, wala siyang pakialam sayo. Ano pa ba ang gusto mong gawin o magawa niya para matauhan ka?" galit at madiin niyang dugtong.

Di ko mapigilan na umiyak na naman. Oo bakit ganun? Bakit kahit sinaktan na nya ako di ko parin mapigil ang mag alala para sa kanya? May saysay ba ang pagmamahal ko?

"From now on di ka tatawag sa kanya, bawal kang magtext at bawal kang gumamit ng cellphone." Hinablot nya agad ang cellphone sa kamay ko nang nakuha ko ito.

"Ano ba ang pakialam mo Luke? Buhay ko to wala kang paki kung ano ang gawin ko. Mahal ko siya, mahalaga siya sa akin. Wag mo kong pagbawalan dahil gagawin ko ang gusto kong gawin." Pagmamatigas ko rin kaya pilit kong inagaw ang cp at itinaas niya pa para di ko maabot.

Tumawa siya na mapang asar.

"Huh...Mahal mo siya oo pero di ibig sabihin tanga kana. Mahal mo siya pero mahal kaba niya? Kaya nga di ka sinipot diba at pinagpalit sa iba?" wika niya na may pang aasar parin. Nasaktan talaga ako sa sinabi ni Luke..Masakit kasi totoo iyon di na ako mahal ng lalaking inalayan ko ng pag ibig. Ang saklap.

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. Ang sakit na nga lalo pa niya pinagdiinan.

"How dare you..bitiwan mo ang cellphone ko ibigay mo sa akin yan.. lalo mo pa pinagdiinan, so dapat mag saya ka na ito naman gusto mo diba? Masaya kana na sinaktan na ako?" galit ko ding saad saka inagaw ang cp ko sa kanya. Pero hinablot na naman niya ang braso ko.

"No..." wika niya sabay kuha ng cp ko at tinapon sa sahig.

"Ahhhh" tanging sambit ko at nakatakip ang mga kamay sa bibig dahil nagulat ako sa ginawa niya. Wasak ang cellphone ko.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon