CHAPTER THREE
Mahimbing parin na natutulog si Azie.
Nagising s'ya at biglang bumangon ng makita ang orasan. Pasado alas otso na ng umaga. Agad sumilip sa bintana naro'n ang sasakyan ni Luke, nagmadaling kumatok sa kwarto ng kapatid ngunit walang sumasagot. Mabilis na magtooth brush at bumaba.nakita s'ya ni Nanay Flor na humahangos.
"Hija wala ang ate mo maagang umalis pasensya na raw at 'di na nagpaalam sayo may importanteng aasikasuhin daw sa school. Ang mommy mo naman may biglaang meeting at mago-grocery daw s'ya mamya. Bilin ng kuya Luke mo pumunta ka nalang daw sa kanya magpapaliwanag daw." Mahabang pahayag ni Nanay Flor saka tumalikod pabalik ng kusina.
***
Azeleah's POV
Laglag ang balikat ko habang naglakad patungo kina Kuya Luke.
"Kuya." Tawag ko sa kanya sabay katok ng tatlong beses. Hindi sumagot kaya pinihit ko ang knob.
Parang walang tao,tuloy tuloy akong pumasok ngunit wala si Kuya. Umakyat ako ng kwarto niya saka kumatok.
"Pasok." Boses niya na iyon, pero bakit parang ang tamlay?
Pumasok ako, nakasandal s'ya sa headboard ng kama, malungkot at mukhang puyat.
Tumitig siya sa akin. Biglang nakaramdam ako ng kung anu sa dibdib ko 'di ko mawari kung ano ang tawag do'n. Kumabog ang dibdib ko na parang kabado ngunit binalewala ko nalang.
"I'm sorry sweetie kung 'di muna tayo matutuloy ngayon." Saad niya sabay sapo sa kanyang noo masakit siguro ang ulo. Nag alala akong lumapit at umupo sa tabi niya. Hinawakan ang noo pero wala naman siyang lagnat.
"Masama po pakiramdam mo Kuya?" Alalang tanong ko, ngunit pakiramdam ko ako ang lalagnatin sa kaba.
" Masakit ang ulo ko. Masama pakiramdam sorry kung 'di ako nakatawag kahapon ha para sabihing cancel ang lakad natin. Nagsorry na din ako sa mom mo at kay Hazel. Next time nalang 'pag okay na ako saka kung tuloy tayo ngayon hindi makakasama ang ate Hazel mo." malungkot niyang paliwanag.
Ako man ay nalulungkot din pero bakit ganun? Parang may iba kay kuya?
Agad siyang tumayo at niyaya ako sa baba.magluluto daw s'ya ng breakfast namin kung pewde ay sabayan ko siya. Sumunod lang ako, pilit na iniicp kung ano ang dahlan kung bakit matamlay si Kuya Luke. Nagluto siya ng bacon and sunny side up egg at may bread ,coffee for him and hot choco for me.
Tahimik parin siyang kumakain kaya ako na ang nagsimulang magsalita.
"Okay lang kuya may next time pa naman." Subalit wala parin itong kibo. Parang nasasaktan siya pilit lng tinatago. I know him so much kaya alam ko pag may problema siya.
"My problema ba? Kung 'di mo sasabihin aalis nalang ako." Ang sabi ko naman habang subo parin ng pagkain. Nag angat ito ng tingin.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS