Chapter 18

3.8K 70 0
                                    

Chapter Eighteen

Nakahanda na ang lahat.  Nakaplano na at plantsado. Si Azie nalang ang hinihintay.

"Mom darating kaya si Azie?" kabadong tanong ni Luke kay Fely.

"Hijo kalma ka lang diyan. Sinabi ko na pagkatapos niya sa opisina tumuloy na dito sa resort dahil kako invited tayo sa party ng tito Ricky niya." Nakangiti namang sambit ni Fely.

"Hijo wag ka kabahan dadating yun. Saka sigurado OO agad sagot nun. Hahaha." Nakatawa naman na wika ni Julius.

Di alam ni Luke bakit ganun ang kaba niya. Natatakot ba siyang hindi tanggapin ni Azie ang proposal niya? Pero bakit? Bakit iba ang kaba na nararamdaman niya.

SAMANTALA..

Dumaan muna si Azie sa bahay nila dahil magbibihis bago pumunta sa resort. Nagulat siya ng tawagan ng ina na may party daw sa Villa ng kanyang tito.

'kelan pa kaya ito nakauwi mula sa america' tanong nalang ni Azie sa sarili. Hindi niya alam ang planong proposal ni Luke. At di niya alam na darating ang kanyang kapatid kasama ang anak nito.

Walang tao sa buong kabahayan, ang sabi ng mommy niya ay si nanay flor nalang daw ang maiiwan sa bahay nila pero susunod naman sa resort. Ngunit wala naman si nanay flor. Tinawagan ang ina..

"Mommy dito pa ako sa bahay magbihis din ako bibilisan ko nalang po. SI nanay flor wala po dito baka sumunod na diyan." Wika ni Azie.

"Okay anak ingat ka. Sumunod ka dito agad ikaw nalang ang hinihintay para makapagsimula." Wika din ng ina. Saka ibinaba ang tawag. Pinasok ni Azie ang cp niya sa bulsa.

            Ewan kung bakit naisip na dalhin ang extra phone niya at nilagay din sa kabilang bulsa. Nagmadaling nagbihis ngunit may malakas na kalabog na narinig mula sa baba. Nagtaka si Azie bakit may ingay ang alam niya ay sinara ang pinto bago umakyat sa kwarto.

Dahan dahang lumabas sa kwarto niya upang tingnan kung sino ang nasa baba.  Iginaya ang tingin ngunit walang makita. Biglang dumilim dahil nawalan ng power. Binundol ng kaba ang dibdib ng dalaga dahil takot talaga ito sa dilim lalo na at mag isa lamang siya. Inadjust ang mga mata sa dilim kahit pano ay naaaninag niya. May kaluskos na narinig sa Kusina.

"Sino yan?" kabadong tanong niya.

"May tao ba diyan sino ka?" nais na lumukso ng puso ni Azie sa tindi ng kaba.

Kinuha ang Cp sa kanyang bulsa upang gawing ilaw dahil madilim. Ngunit ng sandaling iyon may isang malakas na kamay ay humablot sa braso niya. Napa igik ito sa sakit dahil mahigpit ang pagkakahawak nito.

"Ahhhhhhhh...sino kaa?? Anong kelangan mo. Bitiwan mo ko. Ano ba!!!.." nagpupumiglas si Azie mahigpit na hawak ang cp niya.kahit na kabado ay nakuha pang ilagay sa bulsa ang cp na iyon.

"Huwag ka nang magmatigas hindi ka makakatakas sa akin." Wika ng lalaking may hawak sa kanya.

Nahintakutan si Azie ng may maramdaman sa tagiliran niya. May kung anong bagay na matulis ang nakatutok dito. Pakiramdam niya ay ito na ang katapusan niya.

Huminahon si Azie at nagsalita.

"Pakiusap hindi ako papalag, sino ka ano ba kasalanan ko sayo? Parang awa mo na wag mo akong sasaktan. Sasama po ako." Pakiusap ni Azie habang di na niya mapigil ang umiyak.

"Wag ka nang maingay. Kung ayaw mong masaktan sumunod ka nlang." Galit ngunit kalamadong saad ng lalaki. "Konteng mali na galaw mo sisiguraduhin kong butas ang tagiliran mo." Panakot pa nito.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon