CHAPTER EIGHT
"Mabuti 'di na tayo sinusundan. Sino ka ba at sino mga taong 'yun?" Nagtatakang tanong ni Will.
"I am Sophie Villafranca, daughter of Mr. and Mrs. Alfredo Villafranca. 'Yung humahabol sa akin tinatakasan ko kanina 'yun ang kikidnap sana sa akin. Please I need your help. Babayaran ko nalang ang pang aabala ko sayo." Natatakot parin na sabi ni Sophie.
"What!? You mean Alfredo Villafranca? One of the most wealthy man in the Philippines? Ang may ari ng iba't ibang negosyo dito sa bansa?" 'Di makapaniwala si William sa nalaman.
"Yes. Siya nga ang daddy ko." Maikli niyang sagot.
"Baka mapahamak ako at ako ang makasuhan ng pamilya mo. Sa yaman ng pamilya mo matutunton ka nila kahit saang lupalop ka pa magpunta." Nag-aalalang saad ni will habang nagdadrive.
"No please ako ang bahala kailangan ko lang magtago at hinihingi ko ang tulong mo para malaman kung sino ang gustong ipadukot ako." Seryoso na ito. "Saan mo ako pwedeng itago?" Dugtong pa ng babae.
"Nandito na to, tutulungan kita sana 'di lang ako mapahamak kami ng aking pamilya. Pupunta tayo ng Quezon Province . May bahay ako doon malayo sa kabihasnan sana pagtiyagaan mo muna. Dadaan lang ako sa grocery at bibili ng mga pagkain at gamit mo." Wika naman ni Will.
"Salamat ng marami. Hndi ko hahayaan na mapahamak kayo pangako. Bago nila malaman kung nasaan ako malalaman ko muna kung sino ang nasa likod ng pagtangkang pagdukot sa akin." Sagot naman ni Sophie.
Tinahak ni William ang daan patungong Quezon kasama ang estrangherang nakilala kani kanina lang, bumili muna siya ng sangkatutak na pagkain at mga damit para sa dalaga.
Pagdating sa bayan ng Quezon ay medyo malalim na ang gabi. Tinahak parin ang mapupunong lugar bago narating ang isang private property ni William.
Pinamana ito ng kanyang lolo kaya inalagaan niya ang bahay du'n siya lumalagi 'pag malungkot siya. Minsan ay may kasama siyang kasambahay para maglinis roon. Hindi alam ni Azie ang bahay na yu'n plano nitong sabihin kay Azie 'pag magpakasal na sila.
Napakaganda ng bhay na iyon, may mga takip na puting kumot ang mga kasangkapan. malinis pa ito dahil kailan lang ay dun siya nangaling at pinalinis iyon. Nag umpisa silang mag ayos at hinatid ang babae sa kwartong tutuluyan nito.
Inayos ni Sophie ang gamit at naligo muna bago bumaba. Si will ay abala sa pag ayos ng groceries sa ref. Pagbaba ng babae ay naghapunan na sila nag take out si William ng pagkain nila kanina sa bayan.
Matapos kumain.
"Maraming salamat. Pinatuloy mo na ako at pinakain 'di ko pa alam ang pangalan mo? Sobrang salamat." Nakangiting wika ni Sophie sabay may inabot sa binata.
"I'm William James Smith." Pagpapakilala nito sa babae.
"Ano 'to? Para saan ito?" Tanong ni Will ng makita ang napakaraming pera na inabot sa kanya ng babae.
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
RomanceBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS