Chapter 13

3.6K 86 0
                                    

Chapter Thirteen

Status: Moving on

Yan ang sinulat ni Azie sa Fb status niya. Now she is happy.

Dalawang taon din ang lumipas mula ng huli silang nagkita ni Will sa coffee shop. Ni hindi na niya pinangarap pang muli siyang Makita. Oo minsan naiisip pa niya ito ngunit umiiling nalang at tinatawanan ang sarili. "He doesn't love you anymore Azie. Move on." Yan ang lagi niyang sinasabi sa sarili.

"Hi." May biglang nag message sa kanya si Luke pala.

"Hey Luke its been two months since you and Miggy Left. I miss you both.

Oo umalis nga sila pumunta ng Australia dahil Nagbakasyon sila kay Tricia. Dun na tumira si Tricia kasama ng kanyang asawa , one year ago nang nagpasya si Tricia at asawa nito na mag stay for good na sa Australia.

Si Luke na ang nag aalaga sa bata at ang usapan na lang nila kada taon ay magbabakasyon nalang doon si Miggy sa loob ng dalawang buwan. Ng umpisa ay nahirapan ang bata ng malaman na aalis ang ina ngunit sa tulong ni Azie everything went fine.

"Yeah. Pero babalik na din kami ni Miggy bukas. Sorry kung hindi ako masyado nakakatawag sayo. We miss you too Sweetie." Reply nito.

"Hahaha.. Don't worry its not your obligation para tawagan ako.lol"

"I will call you tomorrow bago ang flight namin. For now I have to go. Miggy says he loves you."

"Tell him I miss him so much and I love him. Bye."

"Bye sweetie." Paalam ni Luke.

Hindi napalis ang ngiti sa labi ni Azie . Naging mas malapit pa silang magkaibigan ni Luke and she always thank God for it. Hindi naging madali ang pag move on ni Azie pero sa tulong ng pamilya at ni Luke nakaya niya.

======

"Mom luto na ba ang adobo for Miggy? Nanay Fely please help me prepare  the table." Natatarantang saad ni Azie.

"Anak relax si Luke at Miggy lang ang dadating" natatawang sabi ng ina. Sabay inihain ang kare kare sa mesa.

"Mom papunta na sila eh. Hmmmm mukhang masarap na naman ang kare kare my favorite." Saad naman ni Azie at inamoy ang ulam.

"Baby don't worry itong lamesa nalang ang aayusin lahat luto na. "sabad ng ama.

Hinain ang lahat sa mesa, naroon ang kare kare, adobo, menudo, at fruit salad at leche flan para sa dessert. Nagbihis na rin si Azzie.

DING DONG DING DONG

Tunog ng door bell. Mula sa bintana nakita ni Azie ang kotse na pumarada na sa harap ng bahay niya. Nagmadali siyang nagbihis at bumaba. Pagkababa ay naroon na si Miggy at Luke.

She smiled widely to them. Kuminang ang mga mata ng pitong taong gulang na si Miggy.

"MOMMYYYYY" sigaw ng bata saka patakbong yumakap sa dalaga. Niyakap din sya ng Azie. Halos matumba si Azie dahil malakas at bigla itong sumampa sa kanya. Pinupog ng halik ni Miggy si Azie.

"Hahahah..baby I missed you so much." Tuwang tuwa din ni Azie.

"Miggy stop it. Sabi ko dahan dahan lang muntik na matumba si mommy Azie. Come here sweetie. Naiinggit ako siya lang ang may yakap at halik ha?" birong totoo naman ni Luke. Ngumiti si Azie sa tinuran ni Luke. Tumayo siya at hawak ang kamay ng bata saka lumapit sa kaibigan. Nagkatinginan at ngitian naman sina Julius, Fely ay nanay Flor.

"Siyempre si baby muna bago si daddy. Hahaha" humalakhak si Azie saka lumapit para halikan ang pisngi ng kaibigan.

Nagulat si Azie ng kabigin ni Luke ang bewang niya kaya napayakap din siya kay luke.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon