CHAPTER TEN
Nagpatuloy sa pag-drive ng sasakyan si Luke nasa tabi niya si Azie na wala paring tigil sa kanyang pag iyak. 'Di niya makuhang magtanong dahil mukhang 'di naman niya ito makakausap ng matino. Mababasa sa mga mata ng dalaga ang tindi ng sakit na nararamdaman nito. Kinuha ni Luke ang cellphone saka tinawagan ang mga magulang ni Azie.
Ipinaalam niyang kasama niya ang dalaga at siya na muna ang bahala dito.
===========
Azie's POV
Nagulat ako ng sinuntok ni Luke ang manubela kausap niya si Papa saka pa ako bumalik muli sa reyalidad. Hirap na hirap akong huminga, nagtama ang aming mga ni Luke I can see in his eyes na naaawa at nag aalala siya sa akin. I tried to calm my mind ...
"I don't know what to say. 'Coz I don't know what's wrong with me para ipagpalit niya sa iba." Wala sa sariling naisatinig ko ngunit 'di maampat ang mga luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Hindi nagsalita si Luke ngunit ramdam ko ang galit niya. Nagpatuloy nalang ako, kailangan ko mailabas ang sakit sa dibdib ko.
"Hindi siya sumipot sa kasal. After all these years na nakasama ko siya wala akong naging pagkukulang. Walang maaring dahilan upang ipagpalit niya 'ko. Buong akala ko siya na talag, na magiging maswerte ako kagaya ni Ate Hazel. Pero lahat lahat pala ay panaginip lang. Panaginip kung saan ngayon ako nagising." Halos madiin at may hinanakit na wika ko. Nanlalabo na naman ang mga mata sa mga luhang nag uunahang umalpas .
"Tumatawag kami hindi niya sinasagot hanggang sa ang katulong ang sumagot sinabi na baka pumunta sa ospital. Ang sakit sakit Kuya, yung tipong iaannounce ko sa lahat na walang kasalang magaganap...." Humihikbi at nahihirapan na akong huminga dahil sa tindi ng sakit. Ngunit kailangan kong magpatuloy sa mga sinasabi ko, kailangan kong masabi kay kuya Luke ang tungkol sa pinagdadaanan ko.
"Pero dahil wala na akong ibang choice pumunta ako sa ospital, gusto kong alamin ang lahat, kung paano, bakit at ano ang dahilan upang 'di niya ako siputin...Then....." I paused for awhile kasi parang sasabog na ako, ang sakit sa lalamunan ang pagpipigil. Dahil gusto ko talagang mag ngangawa, ang sumigaw, ang magwala ngunit naiisip ko na hindi dapat lalo sa harap ni Luke.
"Then what?!" Galit na tanong niya. I closed my eyes tightly.
"I saw him... At yung babae.. Lumapit ako sa kanila nagulat siya. Inamin na si Sophie ang mahal niya at hindi na ako.." Sunod sunod kong pahayag at sunod sunod na naman nag unahan ang mga luha ko na wala ding kapaguran sa pag agos. Siguro kung susukatin isang timbang luha na ang lumalabas sa mga mata ko.
"That's bullshit!" Nabigkas ni Luke sa galit namumula ito at nagtatagis ang bagang sa galit. 'Di ko siya masisi dahil pareho kami, galit, galit na galit..
BINABASA MO ANG
COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady Mhay
Roman d'amourBroken Hearted Bride by Lady Mhay No Copyright Infringement Intended. (c) LBOS