Chapter 20

3.5K 75 0
                                    

Chapter Twenty

"Ahhh your special friend???"  naningkit ang mata ni Azie ng marinig ang mga salitang iyon.

"We have to go...bye." Mabilis na nagpaalam sina luke. Palabas na silang tatlo nang hahabol si Azie palabas.

"Teka nga, Luke?" tawag niya dito ngunit pinigil siya ng ina.

"Anak gabi na hayaan mo na sila." Saway ng ina nito.

"Mom may babaeng kasama ang boyfriend ko hahayaan ko lang?" galit na tanong sa ina.

"Diba cool off kayo?" sunod na tanong ng ama.

"Da—" di makasingit si Azie.

"Matulog ka na." Taboy ng ate niya. Inis na inis na iniwan ang pamilya dahil parang natutuwa ang mga ito na pinaglalaruan siya ni Luke.

Pabalibag na sinara ang pinto ng kwarto niya.

"Hmmmp.. humanda kang lalaki ka. Paimportante ka ha? Tingnan ko lang bahala ka sa buhay mo." Nakabusangot na saad sa sarili.

=======

Dalawang araw ang nakalipas.

Nagising si Azie alas 8 ng umaga. Mabigat ang dibdib na bumangon kelangan niyang makausap si Luke. Di sila nakapag usap o nagkita man lang sa loob ng dalawang araw na iyon. Sabado kya siguradong nasa hotel ito.

 "Aba di pwedeng ganito. Nasaktan na ako noon hahayaan ko bang saktan ako ulit?? Naagawan na ako noon aagawan pa ba ko ulit ngayon? Hindi maaari wasak na puso ko wawasakin ulit?.. Malaki ang tiwala ko sayo Luke alam ko di moa ko lolokohin. Pero pano??———-Hindi hindi niya ako lolokohin humanda siya saakin" yun ang nasa isip ni Azie.

Nagmadaling maligo at magbihis. Nagdamit ng maganda at nag ayos ng sarili. Dahil hindi na masyadong masakit ang kamay ay maayos na siyang nakakagalaw. Pag baba ay nabungaran agad ang ina.

"Oh anak ang aga mo ah. Saan ang punta mo mukhang good mood ka na?" masiglang tanong ng ina.

"Going to Luke. And kelangan naming mag usap." Pagkawika ay umalis na agad. Di na nagsalita ang ina bagkus gumuhit ang matamis na ngiti.

Di kalayuan ang Hotel kaya nakarating agad sa loob ng 30 minutos. Alam niya ang hotel room nito dahil tinanong niya ang daddy niya dahil alam nito kung saan.

Hindi pa siya nakakapasok sa hotel at magtatanong palang sa front desk nakita niyang palabas ng elevator sina Luke, Miggy at  Ezra. Nainis na naman si Azie ngunit kinontrol ang sarili. Ngumiti siya ng matamis ng nakita siya ni Luke. Si miggy ang unang bumati sa kanya.

"Mommy you are here. Mamamasyal kami ni dad at ni tita Ezra." Sabi ng bata.

"Hi.. you are so beautiful Azie." Puri ng babae sa kanya. Di niya alam kung totoo ang sinasabi nito.

'TALAGA...maganda naman talaga ako.' Sigaw ng isip niya.

"What brings you here sweetie?" malambing na tanong ni Luke.

"We need to talk. Privately." Sagot naman ni Azie.

"Go ahead Luke. Kami nalang ni Miggy ang mamamasyal." Sabi ng babae saka tumingin sa bata.

"Right baby?" tanong pa niya sa bata.

'Baby ka diyan. Nakiki baby ka.!! Hmmp.' Kontra ng isip nito.

"But Azie next time nalang tayo mag usap please? " pakiusap nito sa nobya. "Ezra I missed you so much kaya di pwedeng ipagpaliban ang pamamasyal mo." Pasweet pa talaga nito

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon