Chapter 21

3.8K 59 0
                                    

Chapter Twenty One

"Ohh.. may bisita pala tayo mom, dad?" may halong inis na boses ng dalaga pagpasok sa kabahayan.

"Bakit ngayon ka lang at saan ka nanggaling? Anong oras na. Di ka man lang nagsabi sa mommy mo kung saan ka pupunta?" maawtoridad na sita ni Luke kay Azie.

Naningkit ang mata ni Azie sa bungad nito sa kanya. Huminga ng malalim bago nagsalita muli.

"hello? Ikaw pa talaga ang magtatanong niyan? Dapat sina mom diba?" tinaasan niya ng kilay ang nobyo. Saka tumuloy para halikan ang magulang.

"Mom and dad good night po. Di na ako kakain wala na akong gana ." walang gana din na saad niya sabay lingon kay Luke.

"At pagod din ako, buti nalang nag enjoy kami." Makahulugang ngumiti si Azie kay Luke. Tuloy tuloy na naglakad patungo sa hagdan.

"Wait Azie mag uusap tayo." Pigil ni Luke. Parang bingi ang dalaga na di man lang nakuhang lumingon sa kanya. Sinundan siya nito at nagmamadaling hinabol siya. Nasa labas nang kwarto ni Azie ng mahawakan niya ito sa braso.

"Bitiwan mo nga ako.!! Pwede ba umuwi kana? At naghihintay na ang babae mo.!" Drama niya.

Natuwa si Luke sa tinuran niya lihim na napangiti.

"Nagseselos ka?" seryoso nitong tanong.

"Ako magseselos? Teka." Kunwari ay nag isip at nilagay ang hintuturo sa sintido niya. "Ayy..hindi ako nagseselos tanggap ko na kung may babae ka.. besides!!!!!" Azie paused ang look directly to Luke's eyes.

"Besides?!" tanong ni Luke.

"Never mind! Just go home. Napagod ako masyado kay Will I need to rest."  Saka ngumiti at tumingin sa kawalan na parang may iniimagine bago bumaling muli kay Luke. Luke is pressing his lips na tipong nagpipigil ng galit.

"Ahh ganun? Pinagod ka ni Will? Mukhang masaya ka nga." Napipikon na saad ni Luke.

'aba talagang sinusubukan mo akong babae ka. ' inis na wika ni Luke sa sarili. Walang salitang tinalikuran siya ni Azie at pumasok na ito sa kwarto. Isasara na ni Azie ang pinto ng hinarang at pinigilan siya ni Luke.

"Go away Luke gusto ko ng magpahinga please lang." pero pilit na tinutulak ni Azie ang pinto pasara ngunit mas malakas talaga si Luke kaya hindi niya mapigil ito.

"No mag uusap tayo. Magtutuos tayo" banta ni Luke. Bahagyang natakot naman si Azie sa banta ng lalaki pero hindi siya magpapasindak dito.

'Im just playing your game Luke.' Hiyaw ng isip ni Azie.

Talagang nagpumilit si Luke kaya nabuksan ang pinto. Napaatras si Azie sa ekspresyon ng mukha ng lalaking kaharap parang gusto siya nitong kainin ng buhay dahil sa galit.

"Ano ang kelangan mo? Wala tayong pag uusapan. Kanina  kahit mabigat sa loob ko na ako pa ang magpunta sayo na dapat ikaw nga ang lalapit sa akin..kakausapin kita pero mas gusto mo makasama yung babae mo dahil nga NAMISS mo siya. Kaya hinayaan kita.. kaya ngayon wala tayo pag uusapan." Nanlilisik din ang mata ni Azie sagalit dahil ayaw niyang magpasindak sa lalaking to.

"Ahhhh..kaya mo pinuntahan si Will kasi NAMISS mo din sya?" may diin na wika nito.

"Anong pakialam mo?" nauutal na tanong niya.. her heart started to beat so fast, unti unti natutunaw ang galit na kunwari ay nararamdaman niya dahil lumapit si Luke sa kanya, tinitigan siya ng matiim sa mga mata.

Unti unting natutunaw si Azie sa mga titig ni Luke. Umatras siya muli pero nasa kama na si Azie kaya lalong tumindi ang kaba na nararamdaman niya. Ang titig ni Luke na may halong galit ngunit unti unti ding nawawala ang galit sa mata nito.

COMPLETE: Broken Hearted Bride by Lady MhayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon