Chapter 61

5 1 0
                                    


AXCEL


Nandito na kami sa academy binilisan ko ang pagmamaneho dahil nauna si baby girl pumunta ng academy paglabas namin ng mansion wala na ang sasakyan niya at siya.

Bumaba na kami ng sasakyan at lumakad ng hindi sa kalayuan nakita ko si baby girl na hinahawakan siya ni amethyst.

Anong ginawa ni amethyst sa kanya?

Nakita ko din si francis sa gilid ni baby girl.

May masama akong nararamdaman may ginawang masama si amethyst sa pinsan ko.

Hindi puwede to baka may sinabi na si amethyst hindi to puwede.

Bigla akong nagalit atsaka natakot.

Tumakbo ako at pinuntahan sila nandito na ako sa harapan nila tumingin muna ako kay baby girl at tumingin kay amethyst at tinanong ko agad siya.

Hindi siya makapagsalita.

Sigurado akong may ginawa siyang hindi maganda sa pinsan ko.

Kapag nalaman ko kung anong ginawa niya humanda siya sa akin.

Nakatingin lang sa akin si baby girl seryosong-seryoso kong tiningnan si amethyst at nagulat ako dahil bigla na lang nahimatay si baby girl mabuti na lang sinalo siya ni francis.

Magsasalita na sana ako kay francis kaya lang biglang dumating sina daine at ehya.

"Queen!" sabi ni daine

"Anong nangyari kay queen?" tanong ni ehya

"Francis, dalhin mo siya sa kotse ko" seryosong sabi ko

Tumango lang si francis at tumakbo na ng mabilis nagulat na napatingin naman sa akin ang dalawang babae.

"Kayong dalawa sundan niyo siya ituro niyo sa kanya kung saan ang kotse ko" seryosong sabi ko

Nagulat pa rin sila pero sumunod naman sila.

First time kong magseryoso kapag pinsan ko na ang pinag-uusapan.

Hindi pa rin gumagalaw si amethyst tumingin ako sa kanya.

"Sagutin mo ang tanong ko" seryosong tanong ko

"Wala akong ginawa" sagot niya

Nagsisinungaling siya.

"Nagsisinungaling ka" seryosong sabi ko

"Hindi ako nagsisinungaling magkasabay lang kaming maglakad at tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanya at bigla na lang siyang humawak sa akin teka-"

Putol niyang sabi.

"Teka nga bakit ganito ang tinanong mo sa akin? Parang may ginawa akong masama sa paraan ng pagtanong mo" sabi niya

"Walang masama sa tanong ko" seryosong sabi ko

"Kapag nalaman ko na may ginawa kang masama sa kanya humanda ka sa akin" seryoso kong sabi

At tumakbo na paalis.

Nandito na ako sa labas ng kotse ko at pumasok nasa driver seat tumingin ako sa backseat nakita ko na nakaupo sa likod si francis nakahawak kay baby girl wala pa rin siyang malay.

Ang dalawang babae sa kanya kanya nilang sasakyan.

Nagsimula na akong magmaneho at mabilis na pinatakbo ang sasakyan ko papunta ng hospital our private hospital our hospital.

Bumaba na ako at binuksan ang pintuan sa likod at binuhat ni francis si baby girl at dali daling tumakbo papasok ng hospital sumunod din akong tumakbo at sumunod din ang dalawang babae.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon