DAINE
Nagmessage sa amin ang totoong queen na hindi pa siya magpapakita sa amin at papasok at sinabi niya rin sa amin ang pagbaril sa kanyang balikat nag-alala kami sa kanya kahit daplis lang ang natamo niya.Kung alam lang ito ni mokong ay tiyak akong hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama kay queen hindi niya alam na kayang-kaya siyang ipagtanggol ni queen higit pa sa pagtatanggol niya sa kanya.
Mahal niya kasi si queen kaya itinuturing niya na kapatid ito.
Silang dalawa lang kasi ang malapit na magpinsan.
Timpi na timpi na talaga ako dito sa impostora na to sarap ipakain sa buwaya at itapon sa atlantic ocean nandito kami ngayon sa classroom nakikinig sa guro na nagsasalita ang boring naman gusto ko ng magtime.
Nakakabagot na kasi alam na naman namin ang mga itinuturo niya nagsasayang lang siya ilang minuto pa ay sa wakas break time na kaya pumunta na kami ng cafeteria sinabi ko kay ehya na sa garden na lang kami kakain tumango naman siya.
"Mokong sa garden lang kami" sabi ni
Tumango naman si mokong kaya pumunta na kami ng garden umupo agad kami ng nandito na kami. Ito ang magandang spot sa academy ni queen ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito.
"Bakit ka namang nag-aya na dito tayo kakain?" tanong ni ehya
"Simple lang ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito ang sariwa" sabi ko
Tumango-tango lang siya at nagsimula na kaming kumain hindi pa nakakahati ang pagkain naman ng dumating sina miguel at jayden na may sariling dalang pagkain himala at hindi nila kasama ang dalawa.
"Hello, puwede ba kaming sumalo sa inyo?" tanong ni jayden sa amin
Sumagot naman ka agad si ehya.
"Sure" sabi niya
Kaya umupo naman ang dalawa katabi ko si miguel habang katabi naman ni ehya si jayden.
"Pagdating namin sa cafeteria ay wala kayo kaya tinanong namin si axcel sinabi niya na nandito w kayo kaya pumunta kami dito" sabi ni jayden
"Bakit naman dito kayo kumakain?" tanong ni miguel kaya ako na ang sumagot
"Kagaya ng sinabi ko kay ehya kanina dahil masarap ang simoy ng hangin dito at ang sariwa pa at isa pa ay maganda ang view dito" sabi ko
Tumango lang sila kumain na kami ng magsalita si jayden.
"May napansin ba kayo sa kaibigan niyo?" tanong niya
"Sinong kaibigan?" tanong ni ehya
"Si marielle" sabi ni miguel
Na tahimik kami ni marie hindi naman alam pareho ang sasabihin mukhang may mga kaibigan na nahanap si queen na mapagkakatiwalaan at sa palagay ko ay may napansin na din sila napangiti na lang ako ng palihim.
"Bakit niyo naman na tanong?" tanong ko
"Wala lang may napansin lang talaga kaming kakaiba sa kanya meron ba kayong napansin?" tanong ni miguel
Totoo nga na napansin din nila.
Ibig sabihin kilala na nila si queen sa konting panahon lang.
"Siyempre naman may napansin din kami. Matagal na niya kaya kaming kaibigan" sabi ni ehya
"So tama nga kami may napansin din kayong kakaiba sa kinikilos niya" sabi ni miguel
Kaya tumango lang kami.
"So anong plano niyo?" tanong ni jayden
"Anong plano ang pinagsasabi mo?" tanong ko pabalik sa kanya
"I mean wala ba kayong gagawin?" tanong niya
"Wala" sabi ni ehya
Nagulat naman silang dalawa.
"Ano?" sabay na tanong nila
"Wala nga kaming gagawin" sabi ko
"Pero bakit?" tanong ni miguel
"Basta hindi namin puwedeng sabihin sa inyo. Kung ano man ang napansin niyo ay isa walang bahala niyo na lang" sabi ko
At tumayo na tumayo naman si ehya dahil tapos na rin kaming kumain.
"Mauna na kami" sabi ko
Hindi ko na hinintay ang tugon nila umalis na kami agad papunta kami ngayon ng classroom.
"Omg besh, may napansin din sila" sabi ni ehya
"Kaya nga at dahil dun masaya ako dahil may nakakilala na din kay queen except sa atin kahit ilang araw lang silang magkasama" sabi ko
"Pero hindi ba natin ito ika bahala?" tanong niya
"Hindi naman siguro dahil sigurado ako na hindi naman sila gagawa ng paraan na malaman ang totoo" sabi ko
"Sana nga dahil kung hindi ay madadamay talaga sila at tiyak ako na hindi gusto ni queen na madamay ang mga inosenteat walang ka alam alam kagaya nila" sabi ni ehya
"Ipagdasal na lang natin na hindi nila malaman" sabi ko
Tumango naman siya sana nga hindi sila kikilos para malaman na impostora ang babaeng yun dahil tiyak ako na masisira ang plano ni queen.
Jayden Pov
Nagulat kami pareho ni miguel sa sinabi ng dalawa.
Totoo ba ang sinabi nila?
Na wala silang gagawin nakakapagtaka naman at ano ang hindi nila puwedeng sabihin sa amin.
At isa walang bahala na lang daw namin ang napansin namin?
Nakakapagtaka talaga hindi lang si marielle ang kakaiba ang kilos pati na rin sila napakamisteryoso talaga nila matapos nilang sabihin yun ay umalis na sila.
Sinabi namin sa dalawa ang sinabi ng dalawang babae sa amin pati rin sila nagulat sino ba ang hindi magugulat sa sinabi ng dalawang kaibigan ni marielle.
Naturingan silang kaibigan ay wala man lang sila gagawin para alamin ang kinikilos ng kaibigan nila.
"So, ano na ang gagawin natin?" tanong ni miguel
"Ano pa? Edi kikilos kung wala silang gagawin para sa kaibigan nila ay tayo na lang ang kikilos" sabi ni francis
"Eh, ang sabi nilang isa walang bahala na lang ang napansin natin susundin ba natin ang sinabi nila?" tanong ko
"Siyempre hindi kung sila ay walang gagawin tayo ang gagawa hindi natin kayang isa walang bahala na lang ito. Kaibigan na natin siya kung hindi nila puwedeng sabihin sa atin ang totoo ay tayo na lang ang umalam payag ba kayo?" tanong ni francis sa amin
"Oo naman" sabay naming sabi
"So, ito ang plano" sabi niya
Sinabi niya sa amin ang plano sana magtagumpay kami sa gagawin naming ito at sana hindi kami magsisi sa huli dahil hindi namin sinunod ang sabi nila hindi nila kami masisisi nagtataka lang din kami.
BINABASA MO ANG
The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)
ActionA gangster queen does not have a crown on her head and does not wear any gown and sits on a throne. But a leader of gangsters and simply called as the queen of gangsters. It is inherited from the ancestor of the ancestor passed to the next clan in a...