EHYA
Ngayong umaga na magsisimula ang plano namin papunta kami ng classroom ng magsalita si mokong wala kasing nagsasalita sa amin kanina habang nasa sasakyan.
"Bakit wala si baby girl? Na saan ba siya hindi ba siya papasok? Nag-aalala na ko" sabi ni mokong
"Hindi ba tumawag sayo?" tanong ni Daine
"Hindi eh, kayo? Tumawag ba sa inyo?" tanong niya. Ako na ang sumagot.
"Hindi din eh" sabi ko
"Nag-aalala na talaga ako sa kanya hindi kasi siya pumasok kahapon ng hapon matapos ng nangyari sa cafeteria" sabi niya
"Hayaan muna mokong tatawag din yan, kilala naman natin siya diba? Tatawag at tatawag din yan" sabi ni Daine
"Sana nga" sabi naman ni mokong pumasok na kami sa classroom at pumasok din si ma'am tiningnan ko ang dalawa na tumitingin sa upuan ni Queen sina Francis at Zhake. May something sa dalawa na to.
"Good morning, class may bago kayong kaklase nag-transfer siya rito mula siya sa section 3. Come in hija" sabi ni Ma'am pumasok naman si Maxine gulat naman ang mga kaklase ko.
"Hi, good morning kilala niyo naman ako kaya hindi na ako magpapakilala, I'm the campus Queen bee dito" ngiting sabi niya na parang mabait.
Umupo na siya sa tabi ni Zhake ang landi talaga. English ang first subject namin second subject naman ang P.E.
Ang tagal naman excited na ako at nagtext ako kay Queen kung bakit hindi pa siya tumatawag kay mokong mga ilang minuto pa ang lumipas ay nag-ring ang cellphone ni mokong tiyak ako na si Queen na ang tumatawag sa kanya."Ma'am, I have to take this call" sabi niya kay Ma'am tumango naman si ma'am kaya lumabas na si mokong para sagutin ang tawag.
AXCEL
Tumatawag nasa akin si baby girl kaya lumabas ako at sinagot ang tawag.
"Hello, baby girl kamus—"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"I'm okay Cel, don't worry ayos lang ako pasensya na dahil ngayon lang ako tumawag hindi ako ngayon makakapasok dahil may inasikaso ako na importante. Ikaw na lang ang bahala na magsabi sa dalawa hindi ko pa alam kung kailan ako makakabalik pero wag kang mag-alala babalik ako. Hindi pa sa ngayon pagkabalik ko na lang sasabihin sayo ang nangyari" mahabang sabi niya
"Ganun ba baby girl, mami-miss kita. Sige ako na ang bahala na magsabi sa dalawa" sabi ko
"Mami-miss din kita Cel, sige ibababa ko na ang tawag may gagawin pa akong importante" sabi niya
"Sige, baby girl mag-iingat ka palagi. Bye" sabi ko
"Bye" sabi niya at pinatay ang tawag.
Ano ba talaga ang nangyari? Nilagay ko na sa bulsa ang cellphone ko atsaka pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)
ActionA gangster queen does not have a crown on her head and does not wear any gown and sits on a throne. But a leader of gangsters and simply called as the queen of gangsters. It is inherited from the ancestor of the ancestor passed to the next clan in a...