Chapter 13

204 13 0
                                    

DAINE

Nandito kami ngayon sa classroom ang tagal naman ni Queen.

"Bakit ang tagal naman ni Queen?" tanong ni Ehya pareho pa kami ng iniisip. Oo nga naman.

"Malapit ng magsimula ang klase pero wala pa siya" sagot ko sa kanya

"Speaking of her" sabi niya tiningnan ko lang kung saan siya nakatingin nakita ko si Queen na pababa sa kotse niya at mukhang may nakabangga sa kotse niya. May butas sa harap ng kotse niya at mukhang alam ko na kung bakit nahuli siya habang palapit siya sa amin hindi maipinta ang mukha niya bad mood siya malamang. Nasiraan ba naman ng kotse. Hindi muna kami nagsalita dahil hindi din siya nagsalita sabay kaming tatlo sa paglalakad papunta ng classroom dahil hinintay namin siya kanina sa parking lot at nandito na kami sa classroom.

"Ano ba ang nangyari Queen? Mabuti hindi ka na late" tanong ni Ehya ng makaupo na siya.

"Buwesit talagang araw to buwesit!" cold niyang sigaw biglang napatingin ang mga kaklase ko sa kanya.

"Sorry" sabi ko at nagpeace sign sa kanila alam kong hindi manghihingi ng tawad si Queen.

"Bakit ka naman sumigaw?" tanong ko sa kanya

"Alam niyo ba kung hindi ako nabangga ng mokong na yun edi sana nakakain pa ako at sana hindi nasira ang kotse ko. Argh. Humanda talaga siya kapag nagkita kami ulit buwesit tapos magso-sorry siya? Ano siya hello? Tsk. Argh" cold na sabi niya sa amin

She means si Zhake Lim ang nakabangga sa kanya?

Paano?

Kailan?

Saan?

Hayts ang dami kong tanong.

"Wait, Queen si Zhake ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Ehya. Alam namin kung sino ang tinutukoy ni Queen kasi isang tao lang ang sinasabihan niya na mokong kapag galit siya o may ginawa sa kanya na hindi maganda si Zhake noong sila pa and she is his Ex-boyfriend.

"Sino pa nga ba? Kilala niyo naman magtatanong pa" cold niya pa ring sagot kahit kailan talaga ang lamig magsalita.

"So, Queen nandito siya ngayon sa Pilipinas? Base sa update ko sa kanya noon nasa Paris siya" sabi ko

"I don't care" naiirita cold niyang sagot. May itatanong pa sana kami kay Queen ng biglang dumating si Ma'am. Umayos naman ng upo ang mga kaklase ko. Hindi naman kami maririnig sa usapan namin dahil mahina kaming nag-uusap.

"Good Morning, class" sabi ni ma'am sa amin

"Good morning, ma'am" sabi naming lahat. Except kay Queen isang himala na lang kung magsalita yan ng ganyan sa ngayon na bad mood siya.

"Btw, class may bago kayong kaklase isang lalaki galing sa Paris, nagtransfer siya dito. Pumasok kana hijo" sabi ni ma'am sa amin. Walang pakialam si queen at hindi din nakikinig bad mood kasi at ng biglang pumasok ang lalaki.

Nagulat kaming tatlo pati na rin si Queen mukhang hindi namin inaasahan to walang iba kundi ang Ex ni Queen na si Zhake. Bakit dito siya mag-aaral? Mukhang hindi maganda to.

"Please introduce your self hijo" sabi ni ma'am sa kanya

"Hello, I am Zhake Lim. 19 years old. Napili kong mag-aral dito dahil sa isang babae na mali ang pagkakaintindi niya noon nandito ako para itama ang mali ko noon I hope hindi pa huli ang lahat" sabi ni Zhake at habang sinasabi niya yun ay tumingin siya kay queen at alam kong pinatatamaan niya si queen tiningnan ko si queen na tumingin din kay Zhake hindi na siya galit at alam kong may binabalak na naman siya na hindi maganda. Bakit ba kasi bumalik pa si Zhake? Hindi na niya kilala si Marielle ngayon at una pa lang nung sila pa hindi naman niya kilala ng lubos. Sa aming tatlo si Marielle ang unang nagkaroon ng boyfriend and her first heartbreak.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon