Chapter 59

235 14 6
                                    


MARIELLE


Pagkatapos ng klase namin umuwi kami pumunta agad ako sa kuwarto ko.

Yun na nga ang sinasabi ko eh na may tinatago ang dalawa sa akin kaya naman pala ang saya nila kaninang umaga yun pala nagkita silang apat sa mall.

Nagulat talaga sila dahil hindi na ako cold magsalita.

Sinasabi nila sa akin na maganda ang boses ko kapag hindi ako cold magsalita at dahil yun kay Francis.

Habang iniisip ko kung paano at kailan ko siya minahal may biglang nagsalita sa likod ko kaya lumingon ako.

"Anong pinag-usapan niyo?" tanong niya

Nagulat ako dahil si francis ang nakita ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bakit gusto mong malaman?" tanong ko

"Ah, wala nakita ko kasi si zhake na umalis hindi niya ako napansin. Bakit ka niya iniwan dito?" tanong niya

"Ewan ko sa kanya" sagot ko

"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko sa kanya

"Nakita ko kasi kayong kaya sinundan ko kayo pero ang bilis niyong mawala nung nakita kong umalis si zhake nakita na din kita" sagot niya

Tumango-tango lang ako.

"Bakit mo pala kami sinusundan?" tanong ko

"Ah, gusto sana kitang makausap" sagot niya

"Anong gusto mong pag-usapan?" tanong ko

At umupo siya sa tabi ko.

Bakit ba ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko ngayon?

Wala naman akong sakit sa puso.

At talagang wala akong sakit sa katawan na kahit na ano.

"Nung huli tayong nagkausap na kasama si ali kinabukasan nun gusto kitang makausap kaya nga lang may nangyari at hindi kita nakausap. Bigla ka na lang kasi nawala at ng sumunod na araw hindi din tayo nagkausap. Kaya nga ang saya ko ngayon dahil sa wakas nakausap na kita" sabi niya

Nagulat ako sa sinabi niya.

Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.

Gusto niya pala ako makausap?

"Bakit gusto mo akong makausap?" tanong ko

"Dahil dito" sabi niya

At may kinuha siya sa bulsa niya at pinakita sa akin.

Nagulat ako sa nakita ko.

Mga larawan ang pinakita niya sa akin at ang mga larawan kuha yun ng makilala ko ang kapatid niyang si ali.

Iba't-ibang larawan yung una kaming dalawa nakangiti kami ang ikalawa nakangiti ako at inakbayan ako ni francis nagulat ako nun at ang ikatlo kaming tatlo ni ali ng nakangiti.

Binigay niya sa akin ang mga larawan.

"Huh? Akin na to?" tanong ko

Tumango lang siya.

"Oo, sayo na yan meron din ako niyan" sabi niya ng nakangiti

"Wow, Thank you ah" sabi ko

"Walang anuman. Actually kinabukasan nun yan sana ang ibibigay ko sayo" sabi niya

"Thank you, talaga. Ang cute ni ali dito" sabi ko ng nakangiti

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon