EHYAUwian na namin kaya lumabas na kami para umuwi sumakay na kami ng kotse si mokong ang nagmamaneho katabi niya si impostora sana malaman na ni queen kong sino siya.
Pero may napansin lang ako ilang araw na hindi pumapasok si claire kasabay niya si queen. Nung na kidnapped si queen ay na wala siya tapos bigla na lang sumulpot ang impostora na to nakakapagtaka kinapa ko ang bulsa ko para sana kunin ang cellphone ko pero wala hinanap ko sa bag pero wala rin.
Saan na ba yun?
Wag naman sana mawala ang cellphone ko baka na iwan ko sa academy hayts medyo nakakalayo na kami sa academy.
"Besh, ano ba ang hinahanap mo?" tanong sa akin ni daine
"Besh, nawawala ang cellphone ko" sabi ko sa kanya
"Ano? Saan mo nawala o na iwan?" tanong niya
"Hindi ko nga alam eh baka naiwan ko sa classroom. Mokong itigil mo nga muna ang sasakyan bababa ako" sabi ko kay mokong
Sinunod naman niya.
"Mauna na kayo susunod na lang ako" sabi ko
Bababa na sana ako ng magsalita si daine.
"Besh samahan na kita" sabi niya
"Wag na mabilis lang ako" sabi ko
Magsasalita pa sana siya ng tumakbo na ako ng mabilis buwesit wag ang cellphone ko mahalaga sa akin yun bigay pa yun ng childhood bestfriend ko.
Kamusta na kaya si joshua ngayon?
Naaalala niya pa kaya ako?
Miss ko na siya.
Nandito na ako sa academy hingal na hingal ako sa kakatakbo tumigil muna ko sandali pawis na pawis na talaga ako matapos ng ilang minuto tumakbo na ako ulit papunta na ako ng classroom pumasok na ako nakita ko ka agad ang cellphone ko nasa upuan ko lang pala.
Bakit ko ba nalimutan?
Lumabas na ako ng classroom naglakad na lang ako pauwi wala ng dumadaan na sasakyan dito habang lumalakad ako ay may nararamdaman ako na sumusunod sa akin lumingon ako pero walang tao maliban sa akin.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad pero nararamdaman ko pa rin na merong sumusunod sa akin lumingon ako sa likod ko pero wala pa ring tao.
"Sino ka? Magpakita ka" tanong ko
Pero walang nagpakita kaya ang ginawa ko ay tumakbo ng mabilis hindi muna ako uuwi aalamin ko muna kong sino ang sumusunod saakin kaya lumiko ako sa may kanto hindi na niya ako masusundan sumilip ako para makita ko Kung sino ang sumusunod sa akin.
"Nasaan na yun?" tanong ng isang lalaki
Hindi ko maaninag ang mukha niya nakatalikod siya sa akin pero parang narinig ko na ang boses niya.
"Saan ba nagpunta si ehya? Nawala tuloy sa paningin ko ang bilis kasi tumakbo" sabi pa niya
Nang humarap siya ay nagulat ako ng makita ko ang mukha niya si jayden ang sumusunod sa akin.
Ano bang kailangan niya?
Bakit niya ako sinusundan?
Umalis na ako nagshort cut na lang ako pauwi ng mansion pumasok na ako sa loob nakita ko si daine at mukhang hinihintay ako.
"Bakit naman ang tagal mo?" tanong niya
Hinatak ko ang kamay niya papunta sa kuwarto ko at nilock ang pinto ng kwarto ko.
"Ano ba? Bakit ka naman ng hahatak bigla?" tanong niya
"Besh, nakuha ko na ang cellphone ko at naramda-"
Pinutol niya ang sasabihin ko
"Nakuha mo naman pala nanghahatak ka pa" sabi niya
Hays.
"Makinig ka nga muna sa akin nakita ko na ang cellphone ko nasa classroom lang pala. Habang naglalakad ako pauwi ay may naramdaman ako bigla na may sumusunod sa akin. Kaya ang ginawa ko tumakbo ako ng mabilis nagtago ako at nakilala ko ang sumusunod sa akin" mahabang sabi ko
"Sino?" tanong niya
"Si jayden" sabi ko na gulat naman siya
"Ano? Paano?" tanong niya
"Hindi ko nga rin alam pero siya talaga ang nakita ko hindi ako nagkakamali sabi pa niya na saan na daw ako sinabi niya din ang pangalan ko ang bilis ko daw tumakbo" sabi ko
"Baka sinusundan ka niya dahil gusto niya o nila malaman kong saan tayo nakatira" sabi niya
"Yun na nga eh" sabi ko
"Siguro ito na ang plano nila na sundan tayo pero kapag may naramdaman kang nakasunod sayo ay ilito mo lang kagaya ng ginawa mo kanina ganun din ang gagawin ko para hindi nila malaman kung saan tayo" sabi niya
Tumango lang ako kung yun ang plano nila ay hindi sila magtatagumpay.
Jayden Pov
Hayts.
Nandoon na ako eh nawala pa ang bilis niya kasing tumakbo.
"Oh, ano bro nalaman muna kung saan sila nakatira?" tanong sa akin ni francis
Umiling ako.
"Hindi eh, naramdaman niya kasi na may sumusunod sa kanya kaya tumakbo ng mabilis hindi ko na siya naabutan" sabi ko
"Ano ba yan hindi man lang tayo makakuha ng impormasyon kahit isa" sabi ni miguel
"Basta hindi tayo susuko malalaman din natin sa tamang panahon hindi pa ngayon pero sigurado ako malalaman din natin. Huwag lang tayo magmadali" sabi ni francis
Tama malalaman din namin lahat.
Hindi man ngayon pero balang araw malalaman din namin ang totoo.
BINABASA MO ANG
The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)
ActionA gangster queen does not have a crown on her head and does not wear any gown and sits on a throne. But a leader of gangsters and simply called as the queen of gangsters. It is inherited from the ancestor of the ancestor passed to the next clan in a...