FRANCIS
Nandito ako ngayon sa Pilipinas sa airport kararating ko lang galing Italy pero wala pa ang mga kaibigan ko.
Hayts.
Ang tagal nila kaya nagpasya akong maglakad dahil nandito ako nakatayo at hindi ko namalayan na may nabangga pala ako dahil may biglang tumawag sa cellphone ko kaya napaupo ang babae.
Tsk.
Ang tanga. Kasalanan niya naman din hindi ko siya tinulungan tumayo. Hindi ako gentleman sa mga babaeng tanga nagulat ako ng magsalita siyang napaka cold pa sa yelo cold naman akong magsalita pero mas cold ang babaeng yun. Buwesit na babaeng yun maganda sana cold naman tss.
Sinabi ko bang maganda siya?
Hindi.
Napakapanget niya humanda talaga siya sa akin sa susunod namin ng pagkikita. Buwesit talaga yun sa lalim ng pag-iisip ko dumating na ang dalawa kong kaibigan. Dumating pa.
"What's up bro" sabi ng childish kong kaibigan at sabay akbay sa akin.
"Hey" sabi naman ng masungit kong kaibigan
"Dumating pa kayo" cold kong sabi
"Let's go" dagdag ko pang sabi kaya nagtaka naman sila hindi na sila nagtanong pa at sumunod na pumunta na ako sa kotse. Si Miguel ang pinakamasungit sa amin at siya din ang nagmamaneho si Jayden naman ang katabi ko sa backseat. Tsk.
"Hoy, bro ang lalim ng iniisip natin ah. Babae ba yan?" tanong ni Jayden na curious
Tsk.
"Hindi" tipid at cold kong sabi
"Bro naman magkuwento ka naman ngayon lang tayo nagkita ulit oh" pout na sabi ni Jayden
"Bro wag kang mag pout hindi bagay sayo" sabi ni Miguel na nakatingin sa salamin ng kotse at tinuon na ang pansin sa daan.
"Tsk. Inggit ka lang kasi mas guwapo ako sayo" sabi naman ni Jayden
"Puwede bang tumahimik kayo? Ang iingay niyo" sabi ko
"Bro naman ang init ng ulo natin ah. Bakit ba?" sabi ni Jayden bumuntong hininga muna ako atsaka nagsalita.
"Meron akong nabangga na isang tangang babae kanina sa airport at mas cold pa sa akin. Tsk" inis kong sabi. Humanda talaga ang babaeng yun kapag nagkita kami (evil plan).
"Bro maganda ba yung babae?" curious na tanong ni Jayden
Bakit ba? Eh, ano naman kong maganda o hindi?
"Oo sana cold nga lang at masungit" sabi ko
"Bro, baka siya na ang magiging future girlfriend mo" ngiting sabi ni Miguel na nasa daan ang tingin. Anong sabi niya?
"Oo nga bro, baka siya na ang hinihintay mo" ngising sabi naman ni Jayden sa akin
"Tumigil nga kayo, puwede ba tigil tigilan niyo ako sa kanya. Never ever ko siyang magugustuhan. Tapos" cold kong sabi
"Bro, wag kang magsasalita ng patapos baka kainin mo yan ng buo" sabi naman ni Miguel
"Tsk" cold kong sabi
Nandito na kami sa mansion dito din silang dalawa tumitira pumunta na ako sa taas sa kuwarto ko at magpapahinga kasi pagod ako ngayong araw pagkarating ko kuwarto ay humilata na agad ako sa kama na hindi nagbibihis at pinikit ang mga mata.
----------------
Unibiquety.
BINABASA MO ANG
The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)
ActionA gangster queen does not have a crown on her head and does not wear any gown and sits on a throne. But a leader of gangsters and simply called as the queen of gangsters. It is inherited from the ancestor of the ancestor passed to the next clan in a...