Chapter 19

167 11 0
                                    

MARIELLE


Gabi na ng makarating ako dito sa America umalis agad ako ng academy sa mga nalaman ko agad akong pumunta ako sa private plane ko sa academy sa likod ng garden lumipad agad ako paalis para mapuntahan sina Mom at Dad. Magbabayad sila ng mahal sa akin.

Sumalubong sa akin ang mga ka gang ko at si Zain yumuko sila sa akin bilang pagalang papunta na ako ngayon sa hospital para madalaw sina Mom at Dad kasama ko si Zain una kung pinuntahan si Mom nakita ko siya nakahiga sa kama na walang malay maraming apparatus ang nakakabit sa kanya naaawa ako kay Mom sa kalagayan niya nilapitan ko siya umupo ako sa upuan katabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya umiyak na ako ng todo.

"Mom, please lumaban ka. Nandito na ako na miss kita Mom, pangako ko sayo igaganti kita kayo ni Dad" iyak kong sabi

"Mahal na mahal kita, Mom please gumising na po kayo" sabi ko umiiyak pa rin ako magbabayad siya hinalikan ko si Mom sa noo pumunta naman ako kay Dad sa kabilang kuwarto mabuti na lang gising na si Dad pagdating ko.

"Dad!" sigaw ko. Tumakbo na ako papunta sa kanya atsaka siya niyakap ng mahigpit nakita ko siya na puno ng pasa may benda din ang ulo at paa niya.

Si Lolo ay gangster. Siya ang hari ng mga gangster noon. Anak niya si Mom pero si Mom hindi gangster pero alam ni Mom na gangsters si Lolo ayaw ni lolo na maging gangster si Mom pero bakit ngayon gusto ni lolo na maging gangster ako?

Hindi ko maiintindihan. Si Lolo ang gustong maging gangster ako simula nung pinagbubuntis pa lang ako ni Mom.

Maging isang reyna ng mga gangster ang tungkulin ko simula pagmulat ng mga mata ko sa mundong to.

Mabuti at binuhay pa nila ang mga magulang ko dahil kung hindi pinatay ko na siya pati ang pamilya niya ngayon mismo hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya hayup siya wala siyang awa pagbabayaran mo to ng mahal.

"Hija, nandito ka?" tanong ni Dad

"Opo, nalaman ko kung ano ang nangyari sa inyo ni Mom kaya dali-dali agad ako pumunta rito para makita kayo" sabi ko kay Dad

"Nasaan ang Mommy mo? Huli ko siya nakita na hinampas siya ng tubo sa ulo ng isang lalaki na naka mask kaya nawalan siya ng malay. Inatake kami ng mommy mo ng limampung tao na nakamask hija. Grabe ang takot ng Mom mo. Alam namin ng mom mo na mga gangster ang umatake sa amin" mahabang sabi ni Dad umiyak na ako ng todo yun pala ang ginawa nila mga hayup sila.

Alam ni Dad na anak ng gangster si Mom noon at alam niya din na hindi gangstersl si Mom pero hindi nila alam ni Mom na reyna ako ng gangster. At naging gangster ako. Si Lolo ang lihim na pinasok ako sa mundo ng gangster.

"Hija, bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa Mom mo? Sabihin mo"

"Dad, kasi si Mom na coma hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gumigising" sabi ko nagsimula na rin umiyak na rin si Dad.

"Ano? Nasaan siya? Pupuntahan ko siya. Gusto ko siyang makita" sabi ni dad. Akmang tatayo na siya ng pigilan ko.

"No, Dad makakasama po sayo kapag tatayo kayo hindi ka pa makakalakad ngayon kasi may nabali na buto sa mga paa mo magpagaling ka muna Dad. Okay naman si Mom hihintayin na lang muna natin Dad kung kailan siya magigising" sabi ko sa kanya umiyak naman si Dad niyakap ko siya niyakap naman niya ako pabalik.

"Wag kang mag-aalala Dad gagantihan ko kung sino ang may gawa sa inyo nito" sabi ko kay dad
tumango lang siya nakatulog naman siya habang yakap ko hiniga ko na si Dad at lumabas na ako.

"Doblehin niyo ang pagbabantay sa kanya" cold kong sabi sa ka gang ko na nagbabantay kay Dad tumango naman sila pinuntahan ko ang kuwarto ni Mom sinabi ko din ang sinabi ko sa ka gang ko na doblehin ang pagbabantay kay Dad. Umalis na ko sumunod naman si Zain sa akin.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon