Chapter 45

123 8 0
                                    

AXCEL


Lumabas muna ako dahil gusto kong makausap ang doctor.

"Doc, salamat dahil hindi mo sinabi ang totoo" sabi ko

"Ginawa ko lang to axcel dahil sa sinabi mo na wag kung sabihin lahat pero mali ang ginawa mo" sabi ng doctor

"Alam ko naman na mali doc pero may dahilan kami" sabi ko

"Kung anuman ang dahilan noyo ay wala na akong magagawa pero paano kapag nakaalala na sila at nalaman na nila?" tanong ni doc

"Ako na ang bahalang maghanap ng palusot sa kanila doc at matatagalan pa bago pa sila makaalala muli" sabi ko

"Malaking problema ang kinahaharap mo axcel. Ito pala pakibigay sa kanya inumin niya kung sumakit naman ulit ang ulo niya maiwan na kita" sabi ng doctor

Tinaggap ko naman at umalis na siya bumuntong-hininga na lang ako nagpapasalamat pa rin ako sa kanya dahil hindi niya sinabi lahat.

Sinabi ko sa doctor na wag sabihin ang lahat alam ko ang nakaraan nila.

Bakit ba sila bumalik at nagpakita?

Sa academy pa sila ni baby girl pumasok hangga't sa maaari ay ilalayo ko ang tatlo sa kanila baka makaalala pa sila.

Ang mabuti pa tatawagan ko sina tita at tito at sasabihin ko sa kanila ang masamang balita ilang minuto pa ay sinagot na nila ang tawag ko.

"Hijo, napatawag ka?" tanong ni tita

"Hello tita, nakaalala na po si baby girl" sabi ko

"Ano ba ang sinasabi mo hijo?" tanong ni tita

"Tita si baby girl nakaalala na siya ng konti sa nakaraan at nalaman na nila na may amnesia sila" sabi ko

"Ano? Paano nila nalaman sinabi mo ba?" gulat na tanong ni tita

"Of course not tita hindi ko yun magagawa tita sina khrystalle, tiffany at amethyst nagbalik na at sa academy sila pumasok at doon siguro nakaalala si baby girl. Sumakit bigla ang ulo niya pero nadala namin siya agad sa hospital maayos na din ang lagay niya sinabi ng doctor na meron silang amnesia hindi naman sinabi mg doctor ang lahat" mahabang sabi ko

"Ano? Mabuti na lang sinabi mo agad sa akin hijo at mabuti na lang okay na ang anak ko. Bakit ba doon ang napili nilang pumasok?" tanong ni tita

"Hindi ko din po alam pero nagpanggap sila na nerd sa academy pero nakilala ko sila kahit na nerd sila" sabi ko

"Ano? Hijo, ikaw na ang bahala sa anak ko hindi dapat sila makaalala" sabi ni tita

"Ako na po ang bahala tinawagan ko lang po kayo dahil gusto kong malaman niyo" sabi ko

"Salamat hijo" sabi ni tita

"Wala po yun" sabi ko

"Wag mong hayaan na malaman nila ang totoo hindi dapat nila malaman ang totoo hijo" sabi ni tita

"Hindi ko po yun hahayaan makakaasa po kayo" sabi ko

"Sige hijo, ibababa ko na bye" sabi ni tita

"Bye po" sabi ko

Pagkatapos kung kinausap si tita ay pumasok na ako sa loob narinig ko na may kausap si baby girl sigurado ko si tita yun.

"Mom, bakit hindi niyo man lang sinabi sa akin na may amnesia ako? Kami?" sabi niya hindi ko marinig ang sagot ni tita

"Dapat sinabi niyo pa rin po" sabi niya

"Hindi naman ako galit sa inyo nagtatampo lang po" sabi niya

"Sige po, bye love you po at kay dad" sabi niya

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon