JAYDEN
Gumising na ako dahil may pupuntahan pa kaming tatlo naligo na ako at nagbihis ng black pants atsaka white t-shirt simpleng simple lang atsaka black shoes at bumaba na para sa almusal pagdating ko nakita ko na kumakain na si francis bilib talaga ako sa kanya ang agang gumising kahit kakarating lang kahapon ganyan talaga yan eh. Naka red t-shirt siya na may nakalagay na
'I'm handsome'
Tss.
Mahilig talaga siya sa ganyan at
naka-black pants din atsaka black shoes."Yow, bro"
"Oh, buti at gising ka pakitawag si Miguel at bilisan niyong kumilos" sabi niya at pumunta na sa sala para manuod ng TV umakyat naman ako sa kuwarto ni Miguel at kumatok.
"Bro, gumising kana diyan at kumilos dahil kung hindi alam mo na kung sino ang kakatok ulit dito!" sigaw ko na nakangisi dahil nung hindi pa kami gumising si Francis yung gumising sa amin at binuhusan kami ng malamig na tubig kaya hindi na namin inulit pa. Mukhang mauulit ngayon ah.
"Ito na gising na makakaalis kana" masungit niyang sabi. Takot naman pala sa malamig na tubig at gaya nga ng sinabi niya umalis na ako at bumaba na ulit para kumain.
"Gising na siya at bababa na din maya-maya" sabi ko kay francis. Tiningnan niya lang ako at tumango kaya kumain na ako maya-maya dumating na din si miguel at kumain.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa kotse ni Francis at siya ang nagmamaneho at ako naman ang katabi niya at sa back seat naman ay si Miguel ilang sandali lang narito na kami sa Bookstore Shop kasi bibili kami ng mga libro. Teka. Sandali parang may kulang.
"Bro's, mauna na kayo may naiwan ako sa kotse kukunin ko lang" sabi ko at tumango naman sila naiwan ko yung cellphone ko. Habang papunta ako sa kotse ni Francis meron akong nakabanggang babae.
Hindi ba naman tumitingin sa daan ayan tuloy nadapa dahil sa gentleman akong tao ay tinulungan ko siyang tumayo.
"Ah, miss okay ka lang? Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo" sabi ko sa kanya. Matapos siyang tinulungan.
"Mukha ba akong okay? Excuse me ikaw ang hindi tumitingin sa daan kaya nabangga mo ako" sabi niya. Ang cute niya kapag galit.
"Kaya nga tinatanong kita kung okay ka diba? Mukhang okay ka naman at wala ka namang sugat. Ikaw ang hindi tumitingin sa daan miss hindi ako" ngiti kong sabi
"Ewan ko sayo parang baliw ngumingiti ng walang dahilan. Makaalis na nga" sabi niya
Ang cute talaga akmang aalis na siya ay may sinabi pa ako na nagpahinto sa kanya.
"Alam mo miss ang cute mo kapag galit" sabi ko sa kanya na nakangiti.
"Tse" sabi niya at tuluyan na siyang umalis sayang hindi ko nakuha ang pangalan niya hindi bale may susunod pa naman sana magkita kami ulit.
Tumuloy na ako sa kotse at kinuha ang cellphone ko at sumunod na ako sa kanila para makapili na din ng mga librong gusto ko.
----------------
Unibiquety.
BINABASA MO ANG
The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)
ActionA gangster queen does not have a crown on her head and does not wear any gown and sits on a throne. But a leader of gangsters and simply called as the queen of gangsters. It is inherited from the ancestor of the ancestor passed to the next clan in a...