Chapter 34

138 13 0
                                    


MARIELLE

Naramdaman ko na nag-vibrate ang cellphone ko sigurado ako na si zain na ang nagtext.

"Puwede gumamit ulit ng c.r?" tanong ko ulit sa kanya

Pinayagan niya naman ako.

Tsk.

Ang bobo talaga nila tiningnan ko ang message ni zain binasa ko.

'Queen, nandito na ako medyo magubat ang lugar na pinagdalhan sayo at malayo at dala ko na ang pinapadala mo'

Maasahan ko talaga siya kaya nagreply ako.

'Magaling, i-trace kita kung na saan ka at pupuntahan kita'

Kaya lumabas na ako ng c.r medyo maayos naman ang pakiramdam ko hindi naman nila ako sinaktan pa ng tumawag ang impostora sa babaeng yun.

Maghintay lang kayo makikilala ko din kayo at hindi ko papalampasin ang ginawa niyo.

Ngayon ako naman ang gaganti sa ginawa niyo sa akin ngayon.

Sinuntok ko ng tahimik ang mga tauhan ng babaeng yun para hindi makagawa ng ingay. Tulog agad mabuti na lang konti lang ang nagbabantay sa akin sa loob.

Kaya sinuntok ko sila isa-isa may nakita akong matigas na kahoy kaya kinuha ko ito at hinampas sa kanila at tulog na naman sila kinuha ko ang mga baril nila.

Ito na ang pagkakataon para makalabas ako.

Nagulat ako dahil ang iba pala na nagbabantay ay nasa labas nagtago muna ako at binaril ang malapit sa akin at nakalikha ito ng tunog.

"Sino yun?" tanong ng leader nila

"Ewan" sabi naman ng isa

"Bilis hanapin niyo baka nakatakas na ang bihag" sabi ng leader

Tsk.

Hindi nga kayo nagkakamali nakatakas na ako.

Hinanap naman nila ako kaya ang malapit sa akin binaril ko at lumipat agad ako ng puwesto at isa-isa ko silang binaril konti na lang ang natira.

Queen kaya ang kinalaban niyo mga bobo.

Tsk.

"P*t*ng*na. Sino yun? Mga wala kayong silbi. Bilis hulihin niyo" sabi ng leader nila

Tsk.

"Nakatakas nga po siya" sabi ng isa sa kanya

"Peste hanapin niyo ngayon din kung hindi tayo ang malalagot nito" sabi ng leader

Kayo talaga kasi ang bobo bobo niyo lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"Ako ba ang hinahanap niyo?" cold kong tanong

"Ikaw nga" sabi niya

Tsk.

Binaril ko na siya at tumakbo na ako papunta ako ngayon kay zain nakita ko na siya mula dito ng biglang binaril ako ng isang lalaki.

Mabuti na lang at daplis lang sa balikat kaya mabilis akong tumakbo papunta kay zain.

Pagdating ko kinuha ko na agad ang bangkay na dala niya atsaka binaril ko ang balikat ng bangkay at nilagay ang bangkay kung saan ako nabaril sa balikat para maniwala sila na wala na ako.

At mabilis naman kaming umalis ni zain.

May dala siyang sasakyan hindi ako umuwi sa mansion sa condo unit muna ako ni zain tumuloy. May mga plano pa ako kaya hindi muna ako uuwi tumawag si zain ng private doctor namin para gamutin ang mga sugat ko matapos gamutin ng doctor ang mga sugat ko ay umalis na siya.

Dalawa ang kuwarto sa condo ni zain at ang isa ay ako ang gumamit kumain muna ako kasi gutom na gutom na talaga ako at masakit pa ang buo kong katawan.

"Queen, ang napansin ko lang sa gang natin ay si samantha" sabi niya

Napatingin ako sa kanya at napakunot-noo.

"Ano naman ang napansin mo sa kanya?" cold kong tanong

"Queen, tanong ko lang ilang araw kang na kidnapped?" tanong niya

At ano namang kinalaman nito kay samantha?

"Tatlong na araw akong na kidnapped bakit?" cold kong tanong sa kanya

Tumango-tango lang siya.

"Tama. Magkapareho kayo ni samantha queen, simula ng makidnapped ka nawala din naman siya hindi namin alam kung na saan siya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik" sabi niya

Tumango naman ako mukhang may hinala na ako sa kanya.

Samantha?

Tsk.

"Kung tama ang iniisip ko hindi pa natin alam ang totoo queen, kung siya nga talaga" sabi niya

"Hindi pa natin alam sa ngayon. Sabihan mo ang iba kapag bumalik siya ay manmanan niyo" cold kong sabi

Tumango naman siya.

Tsk.

Napangisi lang ako sa naiisip ko.

Humanda ka.

Tinawagan ko si ehya sinagot naman niya.

Ehya Pov

May biglang tumawag sa akin sinagot ko dahil si queen ang tumatawag sunday ngayon wala dito ang fake queen mabuti na lang. Tinawag ko si daine si mokong may pinuntahan.

"Hello, queen" sabi ko

"Nandiyan ba kayong dalawa?" cold niyang tanong

"Yes queen, nasa mansion kami pero wag kang mag-alala wala dito ang impostora hindi namin alam kung saan pumunta at wala din dito si mokong may pinuntahan kaya kami lang dalawa dito" sabi ni daine

"Good, ang gusto ko lang sabihin ay nakatakas na ako ka—"

Hindi na namin siya pinatapos magsalita dahil nagsalita na kami.

"Thank god, naman queen nakatakas ka" sabi ko

"Mabuti na lang queen at natalo mo sila wala talaga silang laban sa—"

Pinutol ni queen ang sasabihin ni daine.

"Puwede ba tumahimik muna kayo paano ko matapos ang sasabihin ko kung salita kayo ng salita?" cold niyang tanong

Siya talaga si queen dahil sa cold niyang salita.

"Sorry queen, ipagpatuloy mo na" sabi ko

"Tsk. Yun nga nakatakas ako pero hindi ko pa sila natalo dahil hindi ko pa alam ang may pakana nitong lahat. May hinala na kami ni zain iimbestigahan pa namin kung siya talaga. May nakuha na ba kayong idea kung sino ang impostora na yun?" tanong ni queen

"Wala pa queen eh" sabi ni daine

"Pero queen napansin ko lang nung araw na na kidnapped ka ay absent din si claire at hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok yun lang queen" sabi ko

"Tsk. Bingo mukhang alam bniko queen
k
"Sino, queen?" sabay na tanong namin ni princess

"Basta ako na ang bahalang umalam kung nalaman ko na ay agad ko din sasabihin sa inyo basta manmanan niyo lang ang impostora na yan" sabi ni queen

"Sige, queen" sabay na naman naming sabi

At pinatay na ni queen ang tawag mukhang may hinala na si queen ang tanong kung sino?

Marielle/Hell Queen Pov

Pinatay ko na ang tawag mukhang may isa na naman akong hinala.

Tsk.

Kung magplano sana kayo ay malinis hindi ang malalaman agad.

Tsk.

Kaya agad kung tinawag si zain at sinabi sa kanya ang napansin nila kay claire.

"Gusto ko ding imbestigahan mo ang babaeng yan" cold sabi ko

"Queen, mukhang alam ko na ang iniisip mo" sabi niya

Ngumisi lang ako.

You mess the wrong person bitch.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon