Chapter 63

5 1 0
                                    


FRANCIS


Nandito na ako sa academy nakaupo ako sa upuan ko sa classroom bumalik ako dito dahil may pasok pa. Silang apat hindi na pumasok para bantayan si marielle kanina hindi ko mapigilang magtanong nung nag-uusap sina axcel atsaka marielle sa hospital

Akala ko talaga sila na o nililigawan ni axcel si marielle yung closeness kasi nila iba eh akala ko talaga sila eh mag-boyfriend at girlfriend. Napahinga naman ako ng maluwag dahil magpinsan pala sila kaya pala ang closeness nila iba magpinsan pala sila.

Nagulat ako dahil magpinsan sila hindi ko yun inaasahan hindi naman nila sinasabi at hindi ko din inaakala kaya naman pala parati silang magkasama silang apat.

Ngayon maliwanag na ang isip ko.

Naisipan kong i-text si marielle dahil nag-aalala pa rin ako hanggang ngayon sa kanya.

'Hi, are you really okay? Nag-aalala pa rin ako sayo ng malaman kung may amnesia ka. Hindi ko alam na may amnesia ka. I really can't believe it. Ang isang kagaya mo magkaka-amnesia? Hindi talaga kapanipaniwala pero nangyari nga. Don't worry I won't tell them. Your secret is safe from me. Alam kong malakas ka kaya makakayanan mo yan naniniwala ako sayo kahit anong kailangan mo wag kang mahiya na sabihin sa akin ah? Okay? Yun lang. Gagaling ka maniwala ka makakaalala ka din ng lubos maghintay ka lang darating din ang panahon na yun^_^'

At nakatanggap agad ako ng message galing sa kanya nagpasalamat siya.

Thank you?

Thank you lang ang sagot niya sa mahaba kong text sa kanya?

Ang tipid ng reply niya.

Tawagan ko kaya siya?

Tama tatawagan ko siya tinawagan ko siya pero hindi siya sumasagot at in other call ang nakalagay.

Inulit-ulit ko siyang tinawagan pero hindi talaga siya sumasagot ika-sampu ko na siyang tinatawagan hindi pa rin niya ako sinasagot.

At nakakainis na.

Inulit ko pa rin siyang tinawagan pero wala pa din at ilang ulit din ang lumalabas ay in other call pa rin siya.

Tss.

Ika-bente ko na siyang tinatawagan pero wala pa din.

May kausap siyang iba?

Sino naman ang kausap niya?

Baka ang pinsan niyang si axcel?

Bakit lalaki agad ang naisip kong kausap niya?

Baka ang dalawa niyang kaibigan sina daine at ehya tama nandito din naman ako sa classroom hihingin ko ang number ng dalawang babae sa dalawa kong kaibigan. Si jayden may ginagawa sa cellphone niya si miguel naman nagbabasa ng libro una kong nilapitan si jayden.

"Bro, pahiram nga sandali ng cellphone mo importante lang" sabi ko

Tumingin naman si jayden sa akin.

"Bakit bro, anong gagawin mo?" tanong niya

"Basta" sabi ko

"Bakit nga? Ano bang gagawin mo?" tanong niya

"Hihingin ko lang ang number ni ehya" sabi ko

"At bakit? Anong gagawin mo? Kapag may ginawa ka bro, ako tala-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako.

"Ang dami mo pang sinasabi hihingin ko ang number niya dahil tatanungin ko lang siya tungkol kay marielle" sabi ko

Tumango-tango naman siya.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon