Chapter 47

129 5 0
                                    

JAYDEN

Nakakainis talaga badtrip ako ngayong araw.

Buwesit tinapon ko ang libro na binabasa ko hindi ko din maintindihan ang binabasa ko dahil iniisip ko pa rin ang nangyari kaninang umaga.

"Bro, chill baka masira mo yan" sabi ni miguel

Umuwi kami pagkatapos ng pagpapakilala ng mokong na yun.

"I don't care" inis kong sabi

"Ano ba ang nangyayari sayo? Kanina ka pang-umaga ganyan" tanong ni zhake

"Wala" inis kong sabi

"Wala? Eh, bakit ganyan ang mukha mo?" tanong ni francis

"Kasi naman kanina hindi man lang tayo pinansin nina ehya, marielle at daine simula ng dumating ang buwesit na lalaking yun" sabi ko

Na inis na inis pa rin tumawa naman si miguel.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko

"Kaya ka pala nagkakaganyan dahil lang dun?" tanong ni miguel

"Ang sabihin mo nagseselos ka" ngising sabi ni zhake

Tumawa naman ang tatlo.

Anong nagseselos ang pinagsasabi niya?

"Hin-"

Pinutol ni francis ang sasabihin ko.

"Hindi nila tayo pinansin kasi dumating ang kaibigan nila hindi lang tayo ang mga kaibigan nila kaya wala kang karapatan na mainis at magdabog o baka naman meron ka pang ibang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" tanong ni francis

"Anong ibang dahilan ang pinagsasabi mo?" tanong ko

"Alam namin na may gusto ka kay ehya at nakita namin na ang sama sama ng tingin mo sa dalawa kanina habang nag-uusap sila" sabi ni zhake

Nagulat ako sa mga sinabi nila.

"Naiinis lang talaga ako" sabi ko

"Hindi lang yan inis bro nagseselos kana talaga. Talagang binata ka na HAHAHAHAHA" sabi ni miguel

Na natatawa kaya binatukan ko siya.

"Aray! Bakit ka naman nambabatok ang sakit kaya" sabi niya

At hinawakan ang ulo niyang binatukan ko.

"Nang-iinis ka pa hindi ako nagseselos" sabi ko

"Totoo ang sinabi niya bro, halatang halata namin sa kinikilos mo ngayon" sabi ni francis

Edi, nagseselos na nga kung nagseselos.

"Fine, nagseselos na nga. Anong masama dun?" tanong ko

"Edi, inamin mo din sa sarili mo. Walang masama dun bro, nagseselos ka dahil gusto o mahal mo si ehya" sabi ni francis

"Kung ako sayo gagawa na ako ng paraan para magustuhan o mahalin ka ni ehya baka maunahan ka pa. Sige ka, ikaw din ang magsisisi sa huli" sabi ni miguel

May point siya.

"Diba sabi ni joshua magbest friend sila na matagal ng hindi nagkikita baka meron silang pinagsamahan at naputol lang at ngayon nagkita na sila baka madugtungan pa yun at baka hindi na nga nila tayo papansinin" sabi ni zhake

"Hindi naman puwede yun kaibigan nila tayo" sabi ko

"Kaibigan lang nila tayo at tandaan mo merong mas nauna sa atin kagaya niya" sabi ni francis

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon