Chapter 32

122 12 0
                                    

MARIELLE


Nagising ako dahil sinampal ako ng pagkalakas-lakas. Walangya dumugo naman ang pisngi ko ang sakit pa ng ulo ko dahil sa paghampas sa akin ng baseball bat kahapon at katawan ko dahil sa suntok nila.

Umangat ang tingin ko sa sumampal sa akin tiningnan ko lang siya ng cold at galit isang babae at naka mascara siyang suot hindi na siya ang babaeng kausap ko kahapon at tumingin ako sa bintana ng basement na to umaga na pala. Wag niyo lang hintayin na makaalis ako dito dahil hindi na kayo makakakita pa ng araw.

"Boss, gising na siya" sabi ng isang lalaki sa kanya

Ito pala ang nag-utos sa kanila na gawin sa akin to.

Tsk.

"Who are you?" cold kong tanong sa kanya

"Good morning, hell queen. Nagustuhan mo ba?" tanong niya na nakangisi

Wait.

Familiar ang boses niya parang narinig ko na hindi ko lang maalala.

Bakit ba makakalimutin ako?

Tsk.

"Oo, ang ganda nga. Gusto mo gawin ko din sayo? Para malaman mo" galit at cold kong sabi sa kanya

Tumawa lang siya.

"No, thanks" ngising sabi niya

Tsk.

"Sino ka ba talaga? At bakit mo ko kilala?" cold kong tanong sa kanya

"Ouch, naman hell queen nakalimutan mo na ako ka agad? Pero hindi ko pa rin sasabihin sayo kung sino ako HAHAHAHAHA" sabi niya at tumawa

Magkatulad nga silang lahat mga baliw at kilala niya ako sa code name ko na hell queen sigurado ako na gangster siya.

"Hintayin mong makatakas ako dito hindi lang to ang matitikman niyo!" cold kong sigaw sa kanya

Marami na akong sugat sa katawan at mukha dahil sa suntok nila at sampal.

First time mangyari sa akin ito first time akong makidnapped.

"Hihintayin ko yun pero sigurado ako na pagnagawa mo yun ay paglalamayan kana nila" ngising sabi niya

"Ikaw ang nag-utos sa kanila na gawin sa akin to?" cold kong tanong sa kanya na cold

"Ako nga. Bakit masama ba?" ngising tanong niya

"Hayup kang babae ka. Anong kasalan ko sayo para gawin sa akin to?" cold at galit kong tanong sa kanya

"Sa akin wala pero sa mga magulang ko meron" galit niyang sabi sa akin

"Ano? Sino ang mga magulang mo? At ano naman ang nagawa ko?" cold kong tanong sa kanya

"Dahil ikaw ang nag-utos sa mga tauhan mo na patayin sila. Mas hayup ka" galit niyang sabi sa akin

"Ano ba ang pinagsasabi mo?" cold kong tanong sa kanya

Tumawa naman siya.

Alam ko naman na dadating ang araw gagantihan ako ng mga pinarusahan ko noon pero hindi naman sa ganitong ka bilis.

Tsk.

"Nalimutan mo na agad ang ginawa mo? Kaya nga hindi mo ko matandaan diba?" tanong niya

Sino ba talaga siya?

Ano ba ang pinagsasabi niya?

Kung may inutos man ako sa tauhan ko yun ay para parusahan ang traydor at ang mga kumakalaban sa akin.

The Three Heartrobs And The Three Mysterious Girls (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon