1

800 12 0
                                    

--

--



"Tingin mo nabasa niya?"

Nagkibit ng balikat si Kyla sa tanong ko at umikot ikot habang tinitignan ang maganda niyang dress sa salamin dito sa kwarto niya. It's a big red dress. Bonggang bongga siya roon at pinatahi pa ng Mom niya sa isang sikat na designer.

"E, bakit alam niya pangalan ko? Iyon lang ang pwedeng maging dahilan kung bakit alam niya ang pangalan ko! For sure nabasa niya ang letter ko para kay Ivan!" halos magpagulong gulong na ako sa malaki niyang kama sa sobrang kahihiyan at frustration.

Pairap akong nilingon ni Kyla at pumameywang pa siya. "My circle of friends is big, Sol. For sure kilala ka ng mga friends ni Ivan dahil kaibigan kita kaya kilala ka rin ni Leon. Don't be so overthinker. Hindi naman siguro nila babasahin ang letter mo para kay Ivan. They're not that immature."

"At paano ka naman nakakasiguro dyan? Mga loko loko nga 'yong mga kaibigan ni Ivan, e! Siya lang ang matino!"

She sighed and shook her head. Nagpa ikot ikot ulit siya sa harap ng salamin.

"You know what? Huwag mo nang problemahin 'yan. Let's just get you a dress!"

Umiling ako habang nakatulala at iniisip pa rin kung nabasa ba nila ang letter ko.

"Meron na akong dress..."

"Oh, please! Don't tell me magsusuot ka ng lumang dress sa birthday party ko?!"

Tinignan ko si Kyla at inirapan.

"Come on! Ako nang bahala sa dress mo basta magpasukat ka lang!" heto na naman siya.

"Maganda naman 'yong dress ko, ah? Tsaka bigay 'yon ng Lola ko! Kahit kailan hindi 'yon maluluma, no!" bumangon ako sa kama niya at umupo nalang.

"I know that, okay? Pero nasuot mo na 'yon no'ng nag role play tayo. Nakita na 'yon ng lahat!"

"Ang arte mo, Kyla. Okay na 'yon! Maganda naman, e!"

Pumameywang siya at hinarap ulit ako. "Is this about money again? Hindi naman problema sa akin ang pera, Sol, and Mom for sure will be so glad to give you a dress! Baka nga ipa tahi ka pa no'n."

Umiling ako, determinadong tumanggi. "Ayos na sa akin ang dress ko."

"Hindi ayos para sa akin! Come on, just for this one. Birthday ko naman, e," nagpa awa effect pa siya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Parang iniinsulto mo dress ko, ah?" naghahamon ko siyang tinignan.

"No! Of course not!" sa kalagitnaan ng pagsasalita niya ay pumasok si Tita Klea sa loob ng kwarto. "May gusto lang kasi akong i-design sa dress mo. Alam mo na. Bestfriend thing."

I made a face at inirapan siya. Ano ano na naman napag iiisip nitong kaibigan ko. Sumimangot siya.

Tumawa si Tita Klea at binaba ang dala niyang mga snacks sa coffee table ni Kyla. "Gusto niya same dress kayong dalawa, Sol, but different colors and designs."

Tinignan ko ang dress ni Kyla at nagtaas ng isang kilay. "Butterflies?"

"Yup!" tumayo ulit siya at tuwang tuwang umikot sa harapan ko.

Nakapalibot ang mga paro paro sa may baywang ng dress niya. Iyon din yata ang gusto niyang ilagay sa magiging dress ko para same kami.

"What do you think?" nagtaas taas ng kilay sa akin si Kyla.

I sighed and just rolled my eyes. "Fine."

"Yes!"

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Nakakainis ang Leon na 'yon! Hindi naman kami close at sa katotohanan ay kanina lang kami nakapag usap! Palagi ko naman siyang nakikita dahil kaibigan niya si Ivan pero hindi naman talaga kami magkakilala, no! Madalas lang magtama ang mga mata namin pero hindi talaga kami close! Tapos ngayon magfe-feeling close siya sa'kin? Kapal ng mukha niyang asarin ako, ah!

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon