41

936 9 0
                                    

--

--






Tahimik lang kaming nasa sasakyan hanggang sa makarating sa apartment ko. I removed my seatbelt slowly. Hindi ko alam kung magpapa alam ba ako sa kanya pero syempre dapat akong magpa alam, 'diba?

I closed my eyes for a moment and sighed heavily.

"Salamat sa paghatid..." sabi ko nang makakuha ng lakas ng loob at tumingin sa kanya.

"You're welcome..."

I swallowed hard and went out of the car. Hindi ko na siya nilingon at nagdere deretso na agad ako sa gate. Hindi ko rin naman siya makikita dahil tinted ang sasakyan niya. After a while, I heard his car leave.

Nahirapan akong mag concentrate sa araw na 'yon pagkatapos ng mga nangyari. Naglinis lang naman ako ng bahay pero lumilipad pa rin ang isip ko sa ibang bagay. Nagluto rin ako ng nilagang baboy para sa tanghalian at hapunan ko. Hanggang gabi na para tipid.

Naligo ako pagkatapos maglinis ng bawat sulok ng bahay. Minsan ko lang 'to magawa dahil isang araw sa isang linggo lang ang day off ko. Noong mga nakaraang araw ay puro pahinga lang kasi ang ginawa ko at jogging sa labas. Ngayon nalang ulit nakapag linis.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilang isipin si Leon. Sa totoo lang kanina pa siya nasa isip ko habang naglilinis ako kaya medyo nawawala ako sa sarili. At mas lalo ko lang siyang naiisip ngayong wala na akong ginagawa.

Naalala ko lahat ng sinabi niya. Kahit papaano naniniwala ako sa kanya. Sige. Sabihin na nating hindi niya talaga sinasadya ang nangyari. Hindi niya talaga sinadyang halikan si Lean. Lasing lang siya nung araw na 'yon. Hindi magandang dahilan at hindi katanggap tanggap pero sige... tatanggapin ko.

Kahit kailan naman... hindi siya nagsinungaling sa akin. Inamin niyang nagkamali siya at ilang beses nagsorry sa akin kahit hindi ko siya pinapakinggan.

He's not perfect. Nagkakamali siya. Ako rin. Nagkakamali ako. Nagkakamali tayong lahat.

Hindi ako 'yong tipo ng taong naniniwala sa second chance. Kapag nagkamali ka, hindi na kita tatanggapin. Kasi nagkamali ka na. Hindi mo ako sasaktan o gagawan ng mali kung totoong mahal mo ako. Pero para sa kanya, bibigyan ko siya no'n. Bibigyan ko siya ng second chance.

I love him, alright. At kaya ko yata naiisip lahat ng 'to kahit ayoko ay dahil mahal ko nga siya.

Mahal ko, e... Anong magagawa ko?

Tingin ko rin naman... nagsasabi talaga siya ng totoo. O siguro... alam ko at nararamdaman ko noon pa man... na nagsasabi talaga siya ng totoo. Ayaw ko lang tanggapin kasi... masyado akong nasaktan. Sino ba naman kasing hindi masasaktan?

Hinahanda ko na ang hapunan ko sa hapag nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Nilingon ko 'yon at tinignan ang oras.

Sinong pupunta nang ganitong oras sa apartment ko? Gabi na. Ang landlord ba?

Lumapit ako roon at pinagbuksan nang maliit ang kung sino mang kumakatok. Ang inaasahan ko roon ay ang landlod... at hindi si Leon!

Namilog ang mga mata ko nang makita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan ko. Gano'n pa rin ang suot niya at may hawak siyang maliit na paper bag sa kanyang kaliwang kamay.

"L-Leon?" nasambit ko. "Anong ginagawa mo rito?"

"You forgot your necklace on my bed," he said.

Pinakita niya sa akin ang hawak niyang paper bag. Napatingin ako roon.

"Mukhang natanggal sa leeg mo habang natutulog ka kanina. I just saw it now and thought of giving it back to you. Baka importante..."

Shit! Binuksan ko nang malaki ang pintuan ko at tinignan ang paper bag. Nilagay niya pa talaga sa paper bag! Necklace lang naman 'to! Pero tama siya sa sinabi niyang importante sa akin ito! Bigay 'to ni Lola!

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon