43

890 11 1
                                    

--

--






Magkahawak kamay kaming pumasok ni Leon sa building para sa trabaho sa araw na 'yon. I saw people looking at us and their mouth wide open. Napatakip sila sa kanilang mga bibig habang pinapanood kaming dumaan.

I expected them to be surprised but I didn't expect it to be this intense! But why am I even surprised? This man beside me can rule the world. And him holding my hand is really shocking.

Hindi ko alam kung mangingiti ba ako o mahihiya. Gosh! Super attention, ha! I don't like being the center of attention enebe! Eme!

Hinatid ako ni Leon sa office namin. Hindi ko alam kung gusto bang mahulog ni Tessy sa upuan niya nang makita niya kami. Habang si Fey naman ay hindi manlang tinago ang nanlalaki niyang mga mata. Talagang tumitig sila sa amin na gulat na gulat!

Ang OA ng dalawang 'to!

"I'll see you later. We'll have lunch together," Leon whispered as he led me to the door.

I nodded. "Okay..."

He gave me a quick kiss on my lips. Ikinagulat ko 'yon! Hindi ko naitago ang gulat sa mukha ko kaya ngumisi siya at natutuwa akong tinitigan. I didn't expect him to do that in front of many people!

I looked at my colleagues and saw them looking at us but their attention immediately returned to the computers when they saw me looked at them!

Tinignan ko si Leon at masama siyang tinitigan. He just smirked at me and whispered again.

"I love you..."

Ngumuso ako at nag iinit na ang pisngi. Pero pinilit kong maging pormal at umayos ng tayo. Binitawan niya ang baywang ko at tinitigan ang buong mukha ko. Tumango ako sa kanya.

"Bye..."

Naglalakad palang ako sa cubicle ko ay kakaiba na agad ang tingin ng dalawa kong kaibigan. Nangingiti naman ako habang umuupo at napapailing. Umalis na si Leon para pumunta sa opisina niya sa itaas.

"Ano 'yon?! Ha? Ano 'yon, Solana!" sugod ni Tessy, hindi na napigilan.

"Tss..." umiling ako at nangingiti pa rin.

"Sinasabi ko na nga ba, e! May something talaga sainyong dalawa noon pa man! Tama talaga ako lagi sa mga kutob ko!" maingay na sinabi niya.

"Huwag ka ngang maingay," saway ko.

"E, ano na!? Kayo na, Sol!? Yiee! Kinikilig ako!!" si Fey.

"May patanggi tanggi ka pa dyang hindi mo gusto si Engineer! Ikaw!" kiniliti ako ni Tessy sa tagiliran.

Tumawa ako at pinigilan siya. "Mahabang kwento, okay?"

"Kahit gaano kahaba 'yan makikinig kami, Sol! Hindi ka makakatakas!"

Napailing nalang ako at ngumiti sa kaingayan nila. Ramdam kong gusto ko ring makichismis ng iba kong kasamahan pero hindi nila magawa. Nag alala tuloy ako na baka naiingayan na sila sa amin kaya sinaway ko na talaga 'yong dalawa. Oras ng trabaho ngayon, no! Hindi oras ng chismisan!

Mamayang gabi na agad namin ime-meet ang Papa ni Leon. Nasabihan niya na ang Papa niya at kabado naman ako. Duh!? Sinong hindi kakabahan? Leon just told me earlier that his father wants him to get married! May nirereto! Pero may ibang gustong pakasalan si Leon at ako 'yon! Kaya ngayon gusto niya akong makilala! Gosh! Paano kung hindi niya ako magustuhan? Paano kung 'yong babae pa ring nirereto niya ang ipilit niya kay Leon?

May pa-one-million-layuan-mo-ang-anak-ko ba na magaganap?

Shit!!!

Hindi ko alam kung makakatulong ba sa akin ang ngiti ni Leon habang nag aalala na ako roon. Pinagmamasdan niya ang nag aalala kong mukha pero nakangiti lang talaga siya!

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon