5

452 7 0
                                    

--

--






Naging abala ako sa mga sumunod na araw dahil hindi talaga kami hahayaan ng mga teacher na maging masaya kahit dalawang araw lang. Biruin mo, pagkatapos na pagkatapos ng napaka sayang Valentines day, nagpa surprise quiz agad sila sa amin kinabukasan!

Nagkakamot ako ng ulo ko nang tawagin ako ng teacher habang walang ginagawa sa klase niya. Ngayon lang yata kami nagkaroon ng break! Tahimik lang ang mga kaklase ko at nakita ko pa si Kyla na pasimpleng nagse-selfie sa upuan niya, pacute nang pacute.

"Pakidala ito sa Grade 11 STEM, kay Ma'am Susan. Doon siya ngayon," anang istriktang teacher namin.

Pero favorite ako nito! Kaya nga ako ang inuutusan ngayon, e. Minsan mahirap ding maging favorite ng teacher.

Hindi na ako nagpasama kay Kyla. Busy naman siya sa pagse-selfie niya roon at mukhang ayaw maistorbo. Mag isa akong pumunta sa building ng Grade 11 Senior High. Sa kabilang mundo pa 'yon ng building namin dahil Senior High sila habang Junior palang kami.

Bukas na nga pala ang birthday ni Kyla! Natapat pa na Sabado kaya pwedeng magpaka puyat! Excited na ako lalo na't pupunta sina Ivan! Sure na 'yon na pupunta sila. Kinausap na sila ni Kyla no'ng Valentines, e.

Kakalimutan ko nalang 'yong sulat na bigay ko kay Ivan. Wala na 'yon! Matagal na ang nangyari kaya dapat nang kalimutan! Nakakalungkot nga lang na wala pa siyang binibigay na sagot sa akin. Isa lang ang ibig sabihin no'n... Hindi niya ako gusto!

Ngumuso ako. Tanggap ko naman! Matagal ko na siyang gusto at kahit kailan hindi niya ako napansin kaya insahan ko na 'to.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng Grade 11 STEM nang makita roon si Ma'am Susan. Nagtuturo siya at natigil nang makita ako sa labas.

"Uh, excuse me po. Pinapabigay po ni Ma'am Reyes," pinakita ko ang folder na dala.

She nodded and motion her hands to tell me to go inside. Pumasok naman ako at inabot sa kanya ang folder. Nasulyapan ko ang mga estudyante niya at hindi ko na sana papansinin nang may makita ako.

Nakaupo sa pinaka dulo, nakahalukipkip, naka panlalaking dekwatro, at nakangisi ay ang nag iisang Leon Montenegro. Umawang ang labi ko at nabwisit agad sa itsura niya pero mas hindi ko inasahan na dito pala siya!

"Is there anything else?" tanong ni Ma'am Susan kaya agad akong nahiya at nagsorry.

"Uh, wala na po, Ma'am. Sorry po," sabi ko at isa pang sulyap kay Leon bago ako lumabas.

Nakita kong sumunod ang mga mata niya sa akin sa pagdaan ko sa may bintana. Naalala ko ang bigay niyang regalo sa akin noong Valentines kaya medyo nailang ako pero kinunot ko na lamang ang aking noo at inirapan siya. I saw him laughed a little bago siya nawala sa paningin ko.

"Picture tayo, dali!" hinila ako ni Kyla sa may teresita niya, hindi manlang nahihirapan sa dress na suot niya.

"Baka may makakita agad sa atin!" sabi ko.

"Wala pa, no! May liwanag pa, mamaya pa ang mga bisita!" tinapat niya sa amin ang camera at nag pose.

Ngumiti rin ako roon at kinurot ang pisngi niya. Sabay kaming natawa at tinignan ang mga pictures.

It's her birthday today!

Malaki ang bahay nina Kyla kaya pwedeng mag party sa loob. Nakahanda na nga lahat para sa birthday party niya mamaya. Maraming handa at marami siyang bisitang inimbitahan! Kasama na roon ang mga kaibigan nina Tito at Tita, her parents, tapos halos buong school yata ininvite niya!

Suot namin ang matchy naming dress ngayon dahil masyado siyang excited mag picture. Halos isang oras kami roon sa kwarto niya, picture lang nang picture. She did her own make up at siya rin ang nag make up sa akin. Light lang ang make up ko, naka half ponytail ang buhok at may kaunting strand na nakawala sa magkabilang gilid ng aking tenga.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon