36

1K 8 5
                                    

--

--






Nakabalik ako nang maayos sa mga kaibigan ko. Thankfully, hindi ko na nakita si Leon pagkatapos no'n. I tried my best to enjoy with my friends. Iyon naman kasi talaga ang dahilan kung bakit ako sumama.

I should enjoy! I shouldn't be bothered just because he's here!

Pagod akong nahiga sa kama ko pagkatapos makauwi nang ligtas sa apartment ko sa gabing 'yon. Hindi ako gano'n nagpaka lasing dahil hindi ko talaga kayang gawin 'yon. Ginagawa ko ang lahat para dayain si Kyla at hindi makainom nang marami.

I sighed heavily. Kahit subukan kong enjoyin ang sarili ko kanina, nasa utak ko pa rin si Leon na nakita ko. Hindi ko siya masyadong nakita dahil madilim at maraming tao, pero kilalang kilala ko ang mga mata niya. Hindi ako pwedeng magkamali.

And I hate it. Hindi ko gusto na kilalang kilala ko siya. Na kilala ko pa rin ang mga mata niya. Dapat matagal ko na siyang kinalimutan! Bakit hanggang ngayon pamilyar pa rin siya sa akin?

Masakit ang ulo ko kinabukasan. Siguro dahil sa puyat o kaunting nainom. Wala tuloy akong sa mood habang nagkukwento sina Fey at Tessy sa tabi ko habang tutok ako sa computer.

"Nakita ko ulit siya, beh! Nasa taas lang natin ang office niya!" si Tessy na kilig na kilig.

"Gaga ka! Kapag may inutos ulit sayo, ako naman, ah!? Sa akin mo bigay!" si Fey naman.

"Sa akin inuutos lagi, beh. Anong magagawa ko?"

"Kaloka ka! Huwag mong solohin!"

Naghagikgikan sila. Hanggang sa napansin nila akong tahimik lang.

"E, ikaw, Sol? Ayaw mo bang pumanik do'n kung may iuutos? Para makita mo naman!" si Tessy.

Agad akong umiling. "Marami akong ginagawa. Kay Fey nalang."

"'Di talaga interesado si Sol! Ako nasasayangan, beh! Dapat mong makita ang kagwapuhan niya!" si Fey at naghalakhakan sila ni Tessy.

"Totoo! Sayang ganda nito! Malay mo magustuhan ka no'n, Sol!" hinawakan ni Fey ang baba ko at inasar ako.

I tsked. "Tumigil nga kayo. Hindi ako interesado."

"Talaga ba?" nang aasar siyang nagtaas ng kilay.

"Gaga talaga 'to! Sinasayang ang oportunidad. Gwapo na, mayaman pa! Sa'n ka pa?" naghalakhakan ulit sila.

Hindi ko napigilan ang pag irap ko. "Hindi importante sa akin kung gaano siya kagwapo o kayaman. Ang importante sa akin... ay 'yong loyal... hindi nagche-cheat... at hindi nagloloko."

Natahimik sila sa sinabi ko at napa O ang bibig. Nagkatinginan sila pareho at agad lumapit sa akin.

"Hala, teh. Ba't parang may pinang huhugutan?" si Tessy.

"Naloko ka na ba, beh?"

"Sa ganda mong 'yan!?" nilagay ni Tessy ang palad niya sa baba ko.

Ngumisi ako at tinignan siya. "'Diba? Kahit gaano kaganda, nagagawa pa ring lokohin."

"So, may nanloko nga!?" si Fey.

"Hala ka, beh! Totoo?"

"Gwapo ang nanloko sayo!?"

Nagkibit ako ng balikat at tinuon ulit ang atensyon sa computer ko.

"Naloko na pala ang lola mo. Kaya pala wala nang tiwala sa mga gwapo!" humalakhak si Tessy.

"Pero malay mo naman..." bumulong sa akin si Fey. "Itong isang 'to, hindi ka lokohin?"

Gusto kong matawa. Iyan ngang lalaki na 'yan ang nanloko sa akin.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon