--
--
Nakakita si Kyla ng ihawan sa likod ng bahay namin at nagyaya agad siya sa mga kaibigan na mag ihaw ihaw. Bumili sila sa plasa at saktong mag gagabi na, sinimulan nila ang pag iihaw.
"Hindi mo sinabi na meron pala kayong ihawan dito!" si Kyla sa akin.
"'Di naman kayo nagtatanong!" sagot ko naman na ikinatawa nila.
Mabuti nalang may mahaba kaming table dito sa bahay kaya pinagtulungang ilabas 'yon ng boys. At ang girls naman sa mga upuan at plato na gagamitin. Niyaya rin nila si Lola sa amin pero pagkatapos sumubo ay nagpaalam din agad dahil gusto niya raw mag enjoy kami na kami kami lang.
Kaya lagi akong nakadagan sa kanya kapag natutulog kami, e. Kasi 'di niya kami sinasamahan sa mga ganito! Nami-miss ko tuloy siya.
Habang nag aayos ng mga plato sa lamesa ay nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan.
Leon:
Kailangan mo ng tulong?
Naghanap agad ang mga mata ko. Nakita ko si Leon na komportableng nakaupo sa isang upuan malayo sa akin, kasama niya ang mga kaibigan niyang nagtatawanan pero hindi siya nakikisali dahil nakatitig lang siya sa akin.
Pinandilatan ko siya at nagtipa ng reply.
Solana:
Kaya ko. Dyan ka nalang.
Nakita ko siyang nagkagat ng labi habang tinititigan ang cellphone niya, para bang nagpipigil ng ngiti.
Leon:
I don't understand why you want to keep me a secret. Sakit mo.
Ngumuso ako sa message niya.
Solana:
Hindi ko sinisikreto. Bakit? May dapat bang i-sikreto? At may dapat bang hindi i-sikreto?
Leon:
You know what I am talking about. Don't pretend anymore. I won't keep this a secret.
Solana:
Tss. Kung makapag salita ka naman. FYI, hindi pa tayo, no!
Leon:
But I'm courting you so...
Solana:
Wow! Courting me? Ba't 'di ko yata alam? Tsaka marunong ka pala niyan?
Leon:
Yes. Well, now you know. At anong tingin mo sa akin? Marunong akong manligaw.
Solana:
Ah! Oo nga pala. Playboy ka nga pala kaya syempre alam mo lahat, no?
Leon:
I said I'm not anymore! I'm a changed man now.
Umirap ako at ngumisi.
Solana:
Oo na. Mamaya ka na nga mag text. Marami pang gagawin.
Leon:
That is why you need my help, right?
Solana:
No. Wag ka na makulit.
Ngumuso si Leon sa cellphone niya at tumingin sa akin. I smirked at him and continued what I was doing. Tinawag ako ni Kyla para tumulong sa kanya sa pag iihaw kaya dinaluhan ko na siya at wala nang pagkakataon para makapag text pa ulit kay Leon.
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...