--
--
Hindi ko alam kung paano matutulog. Kanina pa tapos ang lahat lahat at nakapag bonding ulit kaming magkakaibigan pero hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari.
Para akong kiti kiti na pabaling baling sa kama. Pinagalitan na ako ni Lola kanina kaya ngayon nakatitig nalang ako sa kisame habang iniisip ang mga lihim naming titigan ni Leon kanina. Kinindatan niya pa ako kanina habang kumakain kami ng tanghalian! Mabuti nalang walang nakapansin sa ginawa niya!
Ngumuso ako habang unti unting natutunaw. Lumubog ako sa kumot at nagtago. Hindi ko alam kung bakit ganito!
Maaga ulit akong nagising kinabukasan. Tinulungan ko si Lola maghanda ng agahan. Hanggang sa bumaba ang mga kaibigan ko at sabay sabay kaming kumain doon habang nakikipag usap sila kay Lola.
Bumaba si Leon sa kalagitnaan ng pagkain namin. Nakasuot siya ng tight white t-shirt kaya kitang kita ang muscles sa braso niya. Nag gy-gym kaya siya kaya ganyan ang mga braso niya?
Nagkatinginan kaming dalawa. He, again, winked at me. Parang tumalon ang puso ko kaya mabilis akong nag iwas ng tingin. Tinignan ko ang mga kaibigan at mukhang wala namang nakapansin sa ginawa niya.
Shit. This man!
Pagkatapos naming kumain ay nagligpit kami ng pinagkainan. Nag botohan sila kung sino ang maghuhugas ngayong araw at dahil loko loko silang lahat, pinagtulungan nila si Paul. Si Paul ang naghugas ng pinggan. Kahapon si Chris ang naghugas, e.
"Bukas si Leon naman!" reklamo ni Paul.
Humalakhak si Leon. "Hindi dapat iniisip ang bukas. Maghugas ka muna dyan hanggang mamayang gabi."
Nagtawanan sila roon. Natawa rin ako. Tumingin sa akin si Leon na nasa may sink, ako naman nasa sala. Maliit lang ang bahay namin kaya kita ang sala mula sa kusina.
A small smile crept on his lips. Tumikhim ako at nakipag usap nalang kila Jam na naglalaro ng kung ano sa papel.
Hindi pa kami nakakapag usap ulit pagkatapos no'ng kahapon. Iniiwasan ko rin kasi talaga at sinasadyang sumama sa maraming kaibigan para hindi niya ako malapitan. Niyayaya rin naman siya ng mga kaibigan niya kaya mas lalo kaming nalalayo sa isa't isa. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba 'yon o malulungkot na hindi na kami nakakapag usap.
Pero hindi pa naman ako handang kausapin ulit siya kaya mas mabuting ganito nalang!
Siniko ako ni Kyla nang maiwan kaming dalawa sa gitna ng bukirin, sa may tapat ng puno. Naghahabulan kasi ang mga kaibigan namin at hindi kami nakikisali.
"Anong meron sainyo ni Leon?" nakangisi niyang tanong.
Namilog ang mga mata ko. Mas lalo siyang ngumisi sa reaksyon ko.
"W-Wala, ah," sabay iwas ko ng tingin.
"Sus. Hindi ka na nagsasabi, ah! Napapansin ko kaya."
"Napapansin ang ano? Tsaka ako pa talaga ang hindi nagsasabi? Hindi ko nga alam na boyfriend mo na pala si Lance! Kung 'di mo pinakilala kay Lola, hindi ko malalaman," inirapan ko siya.
She chuckled. "Sorry na! Biglaan, e. You know me," humalakhak siya. "But, wait, huwag mo nga akong baliktarin! Anong meron sainyo ni Leon?"
Pakiramdam ko matagal na niya akong gustong tanungin tungkol dito, wala lang pagkakataon dahil lagi niyang kasama ang boyfriend niya at ako naman, laging kasama si Leon. Siguro lagi niya kami nakikitang magkasama kaya may napapansin na siya.
Naisip ko tuloy na kung siya may napapansin na, tapos si Lean din nakahalata na, nakakahalata na rin kaya 'yong iba naming kaibigan? Lagi naman silang mukhang abala sa isa't isa kaya pakiramdam ko wala naman silang napapansin. Ayoko pa namang kumalat ang tungkol dito muna.
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...