15

437 7 0
                                    

--

--






Tuloy tuloy ang laro. Marami nang nakapag truth or dare pero maraming pumipili sa truth dahil takot sa mga ipapagawa ng katapat nila. Kumakain lang ako do'n habang sumasabay din sa kanila. May natira pa kasi sa plato ko at paunti unting kinakain kasi sayang.

Kanina ko pa rin napapansing may nakatitig sa akin. Hindi ko na napigilang lingunin si Leon dahil kanina ko pa nararamdamang hinihintay niya ang mga mata ko.

"Are you okay?" hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Nagulat ako. "A-Ayos lang," sabay iwas ko ng tingin.

"You look bothered. What's wrong?"

Umiling ako at huminga ng malalim. Bakit alam niyang may bumabagabag sa akin? Alam kong kanina niya pa ako pinapanood pero nakangiti naman ako at tumatawa kasabay ng mga kaibigan. Hindi ko inasahan na mapapansin niya pa rin na may bumabagabag nga sa akin.

Sinulyapan ko si Lean sa harapan niya. Nakangiti siya at nakikitawa sa tabi ni Kyla at Ivan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis habang pinapanood siya. Hindi ko alam kung bakit.

Nag iwas na lamang ako ng tingin habang kunot ang noo.

"Nauuhaw ka ba?" tanong ni Leon.

Tumingin ako sa kanya at umiling. He then smirked and his head tilted. Humiyaw ang mga kaibigan namin kaya napatingin ako. Huminto kay Jam ang bote at ang katapat niyang si Paul ang magtatanong. Pero napabalik din ang tingin ko kay Leon nang magsalita ulit siya.

"Nabusog ka ba masyado? Sabagay, ang dami mong kinain."

Iritado ko siyang tinignan. "E, ano naman? Sinasabi mo bang matakaw ako?"

He chuckled at that. "Wala naman akong sinabi, ah? Ikaw, ang init lagi ng ulo mo sa mga sinasabi ko."

"E, pa'no wala sa ayos 'yang mga salita mo. Naglalaro tayo, oh? Bakit hindi ka nalang makisali?"

Naglaro ang ngiti sa labi niya. "Hindi pa naman sa atin tumatapat ang bote."

"So? Hindi ka na maglalaro, gano'n?"

"Tss. Too hot headed. May nakain ka bang maanghang?"

"Mahilig ako sa maanghang."

"Oh, noted," tumango tango siya.

Tinitigan ko siya sa inis na mukha. Natawa agad siya nang makita ang itsura ko.

"Ano na naman?"

"Ang ingay mo. Maglaro nalang tayo, okay?"

Nagsimula ulit kumanta ang mga kaibigan namin. Ni hindi ko alam kung anong pinili ni Jam at kung may pinagawa ba sa kanya kung dare man ang pinili niya.

I sighed heavily. Hindi ko nalang pinansin si Leon na pinagpahinga ang braso niya sa likod ng upuan ko. Nasalubong ko ang mga mata ni Kyla at nahuli ko siyang may naglalarong ngisi sa labi. Nakatingin siya sa akin tapos kay Leon, tapos bumalik ulit sa akin.

Pinandilatan ko siya. Alam ko agad iniisip ng isang 'to! Mas lalo siyang ngumisi at nakisabay sa pagkanta kahit halatang may kung ano pa ring iniisip na iba.

Pinasa sa akin ang bote. Saktong pagbigay ko no'n kay Leon ay tumigil ang kanta. Naghiyawan agad ang lahat. Medyo nawala naman ang kaba ko dahil akala ko ako na ang matataya!

Pero hindi rin ako napanatag. Napatingin ako kay Lean na siyang magtatanong kay Leon. Leon smirked and shook his head. Ni hindi niya namalayan na hihinto na pala sa kanya ang bote dahil abala siya sa panonood sa akin.

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon