25

488 7 0
                                    

--

--






Naghanap ako ng trabaho kinabukasan pagkatapos ng birthday ni Cara. Hindi ko na masyadong inisip ang mga sinabi ni Lean kahapon, wala naman akong pakialam. Kahit medyo nagtataka pa rin, inalis ko na talaga sa isip ko 'yon at ginawa nalang ang mga dapat kong gawin.

Nagsimula ako sa mga coffee shops at pagkatapos sa mga bakery shops. Kaya ko namang maging waitress, kahera, o taga luto man 'yan.

Nahirapan nga lang ako ng kaunti dahil sakto na sa tao 'yong iba at 'yong iba naman kailangan nila ng twenty-four-hours na nagtatrabaho sa kanila. Hindi naman pwede sa akin 'yon kasi student ako.

Bumuntong hininga ako pagkatapos lumabas sa isang coffee shop. Pang anim na 'to na hindi ako tinatanggap. Ang hirap din pala kapag estudyante ka pa.

Tinapat ko ang mga papel na hawak ko sa mukha ko para labanan ang mainit na sikat ng araw at kinuha ang cellphone kong kanina pa may nagtetext.

Leon:

Pauwi na kami sa Manila. Are you in Manila yet?

Nagbakasyon kasi siya sa Australia kasama raw ang Papa at mga pinsan niya. Isang buwan din sila roon at ngayon lang makakauwi.

Binasa ko ang iba pang mensahe niya bago nagtipa ng reply.

Solana:

Nandito na ako. Kahapon pa ako nakabalik. Na-busy lang kasi birthday ni Cara kahapon.

Akala ko hindi pa siya makaka reply dahil naisip kong baka nasa eroplano pa siya.

Leon:

What did you do?

Solana:

Nakauwi ka na?

Leon:

Kanina pa. I'm just waiting for your reply. Ang tagal mo.

Ngumisi ako.

Solana:

Sorry naman! Kumain lang kami sa labas. Treat ni Cara syempre siya ang may birthday.

Naglakad na ako papunta sa pang pitong coffee shop na nilista ko sa listahan ko. Malapit lang naman 'yon mula rito kaya lalakarin ko nalang.

Huminga ako nang malalim at tinignan ang wrist watch ko. Magtatanghali na rin pala. Siguro last na muna 'to tapos kakain muna ako sa malapit na karinderya dyan. Siguro naman meron sa tabi tabi.

Leon:

Where are you now, then?

Solana:

Dyan lang sa tabi tabi.

Leon:

What do you mean dyan lang sa tabi tabi? Nasa labas ka?

Solana:

Oo.

Kinagat ko ang labi ko at inisip kung dapat niya pa bang malaman na naghahanap ako ng trabaho ngayon? Kailangan niya pa bang malaman 'yon?

Leon:

Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?

Solana:

Bakit? Sama ka?

Leon:

Sure. Basta ikaw kasama ko.

Napairap ako sa reply niya.

Solana:

Ang landi mo. Naghahanap lang ako ng part-time.

Leon:

Sun (Sky Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon