--
--
Maaga akong ginising ng mga kaibigan kinaumagahan. Gusto nilang pag usapan ang pupuntahan naming resort sa huling araw nila rito para naman daw maging sulit ang bakasyon nila. Gusto rin daw nilang isama si Lola at libre nila kami kaya hindi na ako nagreklamo. Minsan lang ang ganitong libre at alam kong mag e-enjoy naman si Lola.
Pagkatapos pag usapan ang lahat, kumain na kami. Maraming hinandang agahan si Lola at sabay sabay kaming kumain doon. Habang si Lola ay umalis saglit para bumili ng iilang kailangan niyang gamit para sa kusina.
"Parang maganda sa Raven Resort?" si Kyla habang tinitignan ang cellphone niya.
"Ayaw niyo bang sa Peninsula nalang? Para malapit at less hassle para kay Lola," si Cara.
Maraming tumango roon. Nagkibit ng balikat si Kyla.
"Oo nga naman. Okay! Sa susunod nalang siguro ang Raven."
"May overnight sa Peninsula so... overnight tayo?" ngumiti si Lean na sumingit sa usapan.
Napatingin ako sa kanya pero binalik ko rin agad ang tingin sa plato ko. Katabi ko si Leon na tahimik lang habang paminsan minsang sumusulyap sa akin. Nasa lamesa kami, at ang ibang kaibigan ay nasa lapag kumakain.
"Oo nga. Mas maganda kapag overnight. Para rin mas matagal tayo roon," sang ayon ni Freya.
"Sagot ko na beer!" si Chris na hinagisan agad ng mga babae ng balat ng chips.
"Bawal alak!"
"Edi juice nalang! Tsaka kaunting pagkain. Ivan, sayo na softdrinks at snacks," siniko niya si Ivan.
"Sure," pag payag agad ni Ivan.
"Akin na kalahati ng bayad sa entrance," si Leon sa tabi ko.
Nag ungulan ang lahat. Sabi kasi ni Kyla kanina, kanya kanya na ngayong bayad, kami lang dalawa ni Lola ang ililibre niya, dahil sumusobra na raw sila kapag gano'n. Kaya ngayong sinabi 'to ni Leon, nagdiwang silang lahat.
"Deal na 'yan, ah!" isang kaibigan nilang lalaki.
Ngumisi si Leon at tumango. Nagkatinginan kami saglit pero agad akong nag iwas ng tingin.
"Ako na sa kalahati pa," si Lance naman ngayon.
"Aww! Really?!" maarteng reaksyon ni Kyla.
Lalo pa silang naghiyawan. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain, masaya naman na nagkakasundo silang lahat pero hindi ko lang maiwasang makaramdam ng ilang. Lalo na kapag naiisip ko ang nangyari kagabi. Hindi mapigilang pumasok sa utak ko lalo na ngayong katabi ko lang si Leon.
Mali 'yon. Hindi dapat nangyari 'yon. Pero hinayaan ko. Tinatanggap ko naman na nagkamali ako pero pinapangako ko sa sarili ko na hindi na 'yon mauulit pa. Hindi ko na siya hahayaang gawin ulit 'yon.
"Sol, sa'n ka punta?" si Jam nang makita nilang lalabas ako, tapos na kaming mag agahan at nagpapahinga nalang.
"Samahan ko lang si Ate Jolie sa tindahan," paalam ko at tumango naman silang lahat.
Pinag uusapan pa rin nila ang mga nirekomenda kong resort dito sa Bataan kahit napili nilang Peninsula nalang dito sa Orani. Nagagandahan sila sa ibang lugar pero pinag uusapan din nila kung gaano kamahal ang ibang mga resort. Tsaka iniisip din talaga nila si Lola, na dapat malapit lang para hindi na siya mahirapan. I really appreciate that they are thinking about my Lola. Nakakatuwa.
Nakita ko sa labas sina Cara, Freya, Krisha at Lean. Nagpi-picture yata sila at nagkakatuwaan. Mukhang nagkasundo sundo na nga talaga silang apat.
"Oh, Sol," nakita ako ni Krisha. "Sa'n ka?"
BINABASA MO ANG
Sun (Sky Series #1)
Romance[COMPLETED] Solana Vanessa Ramos has a huge crush on this guy. Sa wakas, pagkatapos ng ilang taong pagtitimpi ay nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob para lapitan ito at ibigay ang isang love letter na ginawa niya. Ngunit may biglang manggugulo sa...